8: The Party

6 4 0
                                    

"Ate wear this dress nalang sa party, it's new and hindi ko pa sya nasuot ever. Kasya naman siguro to sayo. Come on try mo na!" Excited na sabi sakin ni Ahtenna habang inaabot sakin ang isang dress mula sa closet nya.

"What if hindi bagay? Nakakahiya naman dun sa parents ni Jason kung ang cheap ko tingnan" nag aalala kong tugon sa kapatid ko na ngayon ay nakaupo na sa kama nyang pink na pink.

"How would you know kung bagay eh hindi mo pa naman natatry! Bilis na aayusan pa kita!"

"Fine! Akin na nga yan" kinuha ko ung dress mula sa kanya at nagpunta sa CR para isuot iyon.

Maganda ung dress honestly, fit sya dun sa theme nung party which is Boho, nag research pa ko kung ano yun and sakto naman tong dress.

Isang above the knee pink floral dress sya tapos may mahabang tali pa sa may neck na nakadagdag sa cuteness nung dress.

Isang above the knee pink floral dress sya tapos may mahabang tali pa sa may neck na nakadagdag sa cuteness nung dress

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I checked myself in the mirror and it looks okay, I guess?

Lumabas na ako at pinakita kay Ahtenna para naman makapunta pa ako sa mall if hindi bagay.

She looked at me and told me to turn around. I was waiting for her to say something.

"Hmmm, it's nice. Perfect na yan for the party! Halika na hahanap tayo ng sandals and other accessories!" Excited na sagot niya at hinila ako papunta dun sa mga shoes nya.

Namili sya ng tatlong pair ng sandals at pinasukat sakin isa isa. Out of those three ay ung beige color lace up flat sandals ang napili nya na nagustuhan ko naman dahil it looks simple and easy to wear. I don't wear heels so this is perfect.

"You're almost done na Ate, hair and make-up nalang and you're ready to go!"

I told her na wag na mag make up dahil baka mag mukha akong weird, but dahil mapilit sya at malakas makipagtalo ay wala na akong nagawa.

Inuna nya ung make up, paulit ulit ko pang sinabi na as much as possible ay simple lang na make up ung ilagay nya and thank goodness ginawa nya nga.

She curled my lashes up and nilagyan ng kung ano mang liquid un. Nilagyan nya din ako ng blush at eyeshadow na hindi ko alam kung pink ba o orange na kulay, ewan ko ba basta may kulay. Then lastly nilagyan nya ako ng lipstick.

Overall okay naman, medyo nagkabuhay naman ung maputla kong mukha. Pano kaya natuto itong kapatid ko mag make up? Dinaig pa ako ha.

"Now dahil short and wavy naman ang hair mo lagyan nalang natin nitong floral crown! okay...Ayan! Perfect!" After nya isuot sakin ung white flower crown ay tiningnan ko ang sarili ko sa mirror and it's indeed nice. Thanks to the creativeness of my dear sister makakaligtas ako sa embarrassment if ever.

"It looks good, paano mo natutunan ang mga to?"

"It's so simple lang naman, bukod sa talented akong angel ay hindi ka naman mahirap ayusan kasi duh! we're pretty na talaga, it runs in our blood! Kaya anything looks good satin my sister HAHAHA" Ang yabang ah akala mo talaga totoo eh.

Count On Me: The LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon