Chapter 7

1 1 0
                                    

Chapter 7
False

Kakalabas ko lang ng faculty kasama ang mga representative ng bawat year level para sa gaganapin na English Month bukas. Napag usapan namin sa meeting kanina yung mga activities per year level.

Dala ko din ang mga papel ng script ko sa pagiging emcee bukas para sa program.

"Si Kuya Elliot pala gaganap ng Romeo bukas!"

Napalingon ako sa 1st year representative na si Erika nakangiti pa ito habang tinitignan niya ang flow of program.

"Oo! Nandun kami kapag nag papractice sila ni Prim. Ang galing nga nilang dalawa!"

Sagot naman ng higher batch.

Nag papractice sila ni Prim? Hindi ko alam yon.. tinignan ko ang flow of program na hawak ko at nakitang sila nga ang gaganap duon.

"Alam nyo kaya sila lagi pinipili ng moderator ng theater club para umarte? Bagay kasi sila!"

Lahat sila nag agree duon sa sinabi ni Erika.

Bagay ba sila? Siguro.. pareho silang mayaman, sikat sa school, at crush ng lahat.

Bagay nga sila..

"Maika, Classmate mo si Elliot diba?"

Hindi ako sanay na Elliot ang tawag sakanya ng ibang batch. Jarell kasi ang gusto nyang ipatawag sakanya. Kaya lahat kami Ja or Jarell ang tawag sakanya.

"Ah.. oo."

"Mabait ba? Mukhang suplado e. Nakakahiya lapitan."

Umiling ako. Bakit ba yun lagi ang iniisip nila kay Jarell?

Hindi naman siya ganon.

Friendly nga siya e.

"Mabait naman siya..hindi rin siya suplado."

"Hello."

Nakita namin si Jarell duon sa gilid ng hallway mukhang papunta din siya sa direksyon namin na kumaway pa sakin.. or samin?

Pag katapos ay ngumiti.

Sakin ba siya ngumiti? Or saaming lahat?

Naramdaman ko ang pag hila sa gilid ng mga batch representatives sa uniform ko lalong lalo na sa palda ko.

Nilingon ko sila, halatang kinikilig sila na nakita nila si Jarell, eh kanina lang pinag uusapan nila ito.

Sumesenyas pa ito na ipakilala ko sila dito.

Hindi ko magets kung bakit ganito sila ka kilig, hindi naman siya artista..

"Uhm.. Ja. Gusto daw nila makipag kaibigan sayo.."

nahihiyang sabi ko. Bakit kasi kailangang ako pa yung maging tulay para makilala nila si Jarell?

"Oh, sure! Hello!"

Lumapit pa ito samin.

Ang bango bango niya bakit ganon!

Ano bang sabon ang ginagamit nila sa bahay? Downy?

After niya makipag kilala sakanila kinamusta niya pa ito na akala mo matagal na sila mag kakakilala.

Close sila agad? Ang galing..

"Ang bait mo pala talaga kuya Elliot!"

Si Erika ulit. Crush niya yata si Jarell?

"Panuorin ka namin bukas, galingan nyo ni Prim!"

Si Ate France na senior namin.

Siya ang dating presidente ng buong highschool batch kaso graduating na kasi siya at sabi niya busy na daw kapag 4th year kaya hindi na siya tumakbo ulit as a president.

A Second To Infinity (Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon