Chapter 9

7 0 0
                                    

Absent
Chapter 9

Maaga akong pumasok at hinihintay ko si Maika Leigh sa gate, sabi niya kasi kakain kami ng breakfast sa karinderya.

"Sir, bakit hindi pa po kayo pumapasok sa school?"

Tanong ng driver ko dahil kanina pa kami nasa parking lot at nag iintay.

7:30 am ang start ng klase namin but because of our Romeo and Juliet role play event, there will be no classes.

Mag sisimula ang event ng 8am para sana may 30 minutes kami para mag prepare sa stage at ng costume.

"May hinihintay lang po." Sagot ko naman.

6 am palang andito na kami sa parking dahil excited talaga akong makasabay siyang mag breakfast.

Halos hindi na nga ako nakatulog pakiramdam ko field trip sa sobrang pag ka excited.

Lumabas na ako ng kotse at luminga linga sa mga estudyanteng nag lalakad papasok ng gate.

Bigo akong makita siya dahil kahit anino niya wala.

Where are you?

"Sir, 7:30 am na po."

Bumaba din ng kotse ang driver ko para lang sabihin 'yon.

Napakamot pa siya sa ulo nung nginitian ko lang siya bilang sagot sa sinabi niya.

Tinignan ko ang relos ko, 7:31 am na.

Nag bago kaya ang isip niya?

Tumunog ang cellphone na hawak ko at nakitang tumatawag si Prim.

"Prim Ganda" pa nilagay na pangalan sa phone ko.

Hindi ko muna pinansin 'yon at lumingon ulit sa mga estudyanteng dumadaan.

Nag ba bakasakaling late si Maika at ngayon palang papasok pero wala talaga siya..

"Hello, Prim Ganda."

Ang ingay sa kabilang linya. Naririnig ko ang mga kaklase kong nag papractice para sa event na ito.

"Anong ganda? Sira ulo!"

Natawa ako at sinabing Prim Ganda ang nakalagay sa phone ko.

"Ah." Tumawa pa siya ng malakas. "E maganda naman talaga ko."

Umiling nalang ako at ngumiti sa sinabi niya.

Narinig ko din ang boses ng boyfriend niyang si Isaac na parang may sinasabi sakaniya.

"Nasan ka na ba? Late ka na!" Halos pasigaw niya ng sinabi 'yon.

"Nasa parking. Papunta na diyan."

Binuksan ko ang kotse at kinuha ang bag ko, dumiretso na ako ng lakad papunta ng Auditorium.

"Sige sige. Tagalan mo pa."

Sarkastikong sabi niya. Natawa nalang ako at inend call na. Lakas talaga ng tama nito ni Prim. Literal na baliw.

Pag punta ko sa dressing room, hinila agad ako ng kaklase kong taga make up para sa event na ito at pina upo sa harap ng salamin na madaming ilaw.

Naka latag narin ang mga gamit niya.

"Can I just go bare?"

Nalalagkitan kasi ako sa make up at nangangati.

Tanong ko habang nag aayos siya ng gamit. Tinignan niya muna ang mukha ko bago mag salita.

"Lalagyan lang kita ng kaunting lipstick at bronzer sa mukha."

Kinakausap niya ako sa repleksyon ko sa salamin. Matangkad ito at magaling din mag make up.

"Make it light please." Pag mama kaawa ko.

Nag simula na siya sa pag pinta sa mukha ko.

Iniisip ko kung pumasok kaya si Maika? Baka naman mas maaga siya sa 6am pumasok?

"Saan si Prim?"

Tanong ko sa kaklase ko dahil napansin kong wala siya dito sa dressing room.

"Umiiyak kanina."

"Did she have a fight with Isaac?"

Tanong ko habang busy sa pag text kay Maika. Sinusubukan ko din syang tawagan mula pa kanina.

"Hindi. Si Maika kasi, ano--" napatingin agad ako sakanya, hindi niya natuloy ang sasabihin dahil parang pinigilan siya ng classmate namin na ngayon ay nag aayos ng buhok ko. Nakita ko ang pag senyasan nila ng patago.

"Andito na si Maika? Where?"

"Wala siya." Sabi pa ulit ng nag lalagay ng kaunting make up sa mukha ko

"I thought she's here? Sabi mo si Maika kasi?" I can feel na may ayaw silang sabihin.

"Ja!"

Nakita ko si Prim na naka bihis na ng costume namin at naka ayos nadin ang buhok papalapit saakin.

"Bakit late ka?"

Tinabihan niya ako at hinampas ng kaunti sa braso

"I waited for Maika sa gate. Is she here?"

Umiling lang si Prim.

"Asan siya?"

"Puntahan natin siya mamaya. After nitong role play natin."

Tinignan niya lang ako ng saglit tapos umiwas na ng tingin

"Hindi siya pumasok? May sakit ba siya?"

I heard her deep sigh.

"Basta! Puntahan natin siya mamaya! Kaya bilisan mo na!"

Aalis na dapat siya sa tabi ko pero hinila ko ang kamay niya para hindi yon matuloy.

"Saan natin siya pupuntahan? Sa bahay ba nila?"

I can clearly see now na umiyak nga siya. Is it related with Maika?

"Basta nga! Bilis na! Para matapos na to at maka alis na."

"Ano ngang nangyari?"

"Ano ba! Sabi ng bilisan mo na! Mag costume ka na bilis na!" Tinabig niya ang kamay ko at umalis siya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Second To Infinity (Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon