Hindi ako kailanman naisama sa grupo ng mga magaganda.
Andun lang ako sa gilid tahimik na nakikitawa at nakikinuod sa mga kaganapan sa loob ng classroom at eskwelahan na ito.
Kaya laking gulat ng lahat nung pangalan ko ang tinawag bilang Prom Queen.
"Give a round of applause to Maika Leigh Mercedes, your Prom Queen for tonight! Please go here in front for your crown and sash."
Yun ang narinig kong sinabi ni Mrs. Gutierrez, ang adviser ko.
Naka ngiti ito saakin at pinapalakpakan nila akong lahat.
May naka tutok ring spotlight saakin kaya medyo nasisilaw ang mata ko..first time ko lang rin kasing mag suot ng contact lens dahil palagi akong nakasalamin.
"Ako po?"
Tinuro ko rin ang sarili ko hindi maka paniwala sa nangyayari.
Sigurado ba talaga sila duon?
Hindi agad ako tumayo sa kinauupan ko.
Unang una, natakot ako dahil baka i-bully ako ng mga kaklase ko.
Sino ba namang mag aakala na ang simpleng katulad ko ang magiging Prom Queen?
Paano naman ang magagandang kaklase ko na mayroon ding magarbong gown hindi gaya ng simpleng pulang long lace gown na suot ko?
"Sabi ko na nga ba ikaw ang magiging Prom Queen eh. Ang ganda ganda mo talaga! Punta ka na duon sa harap!"
Sabi ng kaibigan kong si Primrose na tuwang tuwa rin saakin.
Dapat ay siya nalang ang naging Prom Queen dahil mas bagay sakaniya, bukod sa sikat siya sa eskwelahan na ito ay napaka ganda din niya.
Pinag titinginan rin ako ng mga kaklase ko na kasama namin sa round table na ito, lahat sila naka ngiti saakin at kino congratulate ako.
"Lets go, Prom Queen."
Inilahad nito ang kamay niya saakin at inaaya akong tumayo.
Suot nito ang corona at ang sash title na Prom King.
Ang gwapo rin niya sa suot niyang puting tuxedo.
"Yiee! Nakaka kilig kayo."
Sabi ulit ni Primrose habang pinag mamasdan kaming dalawa.
Narinig din namin ang bulong bulungan dito sa lamesa at hiyawan sa kabila.
My first love, Jared Elliot T. Maximilliano, the Prom King is offering me his hands para pumunta sa harap at kunin at suotin ang titulo kong Prom Queen.
"Kinakabahan ako. Sigurado ba sila na ako ang Prom Queen?"
Kabado kong sinabi iyon habang naka kapit sa braso ni Jarell at nag lalakad papunta sa stage.
"Ikaw lang ang bagay sa Prom Queen wala ng iba."
Nasilayan ko ang dimples nito sa pag tingin at ngiti niya saakin.
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ako ang girlfriend niya e ang dami-daming nag kaka gusto sakaniya na mas magaganda pa saakin.
E hindi nga ako nagagandahan sa sarili ko..
Naiilang pa ako dahil ang daming matang naka tingin saakin o saaming dalawa.
Hindi ako sanay sa lahat ng atensyon na ito.
Sanay ako na taga palakpak lang.
"Congratulations anak. Ang ganda mo. Bagay sayo ang walang salamin."
"Thank you po Ma'am."
Niyakap ako ni Mrs. Gutierrez.
Anduon din ang english teacher ko na siyang nag lagay ng sash at korona saakin.
"Congratulations, Ms. Mercedes. You're very pretty."
Kinamayan din ako nito at bineso.
"Thank you po."
Nag salita ulit ang emcee pinatayo kami sa gitna ng stage.
Kailangan daw naming sumayaw bilang Prom King at Queen pag baba namin ng stage.
Nag patugtog rin sila ng audio mula sa high school musical.
Can I have this dance ang title non.
"Ladies and gentlemen, this is your Prom King and Queen. Jared Elliot T. Maximilliano and Maika Leigh Mercedes"
Narinig kong muli ang hiyawan ng mga tao.
Hindi ko sila masiyadong makita dahil sa mga ilaw na naka tutok saamin ni Jarell.
"Ang ganda mo, sobra."
Sinabi niya iyon bago hinawakan ang kamay ko at hinalikan.
Lalong nag hiyawan ang mga kaklase namin sa ginawa niya.
"Thank you."
Tipid at nahihiya kong sagot dito.
Nanginginig pa nga ang boses ko sa sobrang kaba.
"Kung pwede lang kitang halikan ngayon ay ginawa ko na talaga."
Pang aasar nito habang hinahaplos ang pisngi ko.
"Sira!"
Natawa ako duon at niyakap siya.
Ang tangkad niya pero dahil naka heels ako ngayon ay sakto lang ang pagyakap ko sakaniya.
Umaapaw yata ng kilig ang damdamin ko sa lahat ng pangyayari ngayon gabi lalo na dahil first dance ko si Jarell.
"Masaya ka ba?"
"Oo. Kahit nakaka hiya."
Hindi na ako makatingin sakaniya dahil sa sobrang kilig na nararamdaman kaya't hinayaan niya lang na naka yakap ako sakaniya.
"Bakit ka mahihiya? Ako ang kasama mo, isang Maximilliano. At napaka ganda mo naman talaga."
"Bolero ka talaga."
Sumayaw rin kaming ganoon, ako na naka yakap habang naka sandal sa dibdib niya at siya na hawak ang magka bilang bewang ko, minsan ay hinahaplos niya ang likod ko dahil backless ang suot kong gown.
Nag aalala siya kung nilalamig daw ba ako.
Naka yakap lang rin siya saakin hanggang matapos ang tugtog nito at mag iba ng music.
"Ang swerte swerte ko sayo."
Aniya. Hinigpitan pa lalo ang pag yakap niya saakin.
"Ako yung swerte."
Ako naman talaga yung swerte dahil hindi naman ako kagandahan para magustuhan ng isang tulad niya.
Hindi rin ako active sa mga extra curricular sa school hindi katulad niya na magaling sa basketball at iniimbitahan pa ang team nila sa ibang school para makipag laban tuwing may intrams.
Masiyado akong busy sumali sa mga quiz bee at mag paka presidente sa student government body ng highschool department.
Nawala ang spotlight saamin nung napansin kong dumami narin ang mga tao sa paligid namin na sumasayaw.
"I love you, Aika. See you tomorrow sa graduation natin."
"I love you too, forever."
Hindi ko inakala na iyon na pala ang huling araw na makakasama ko si Jarell.
Hindi ko na siya makakasama at makikita pang muli bukas sa graduation day dahil hindi ko na kaya.
Hanggang dito nalang ang aabutin kong oras sa mundo.
Hanggang dito nalang ako.
Tinitignan ko ang litrato namin mula kanina bilang Prom King and Queen.
Hinding hindi ko ito makakalimutan.
"Masaya akong nakilala ka. I love you forever. Be happy always. I'm sorry dahil ayoko na."
Sinabi ko habang tinitignan ang litrato namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/225983861-288-k122884.jpg)
BINABASA MO ANG
A Second To Infinity (Case Series #2)
Teen FictionFirst love will always be the best thing that a Jared Elliot Maximilliano will ever experience. It is when he met the beautiful and smart student of their school campus, Maika Leigh Mercedes. She became his everything. From being each other's first...