Chapter 6
Jared Elliot's POVKanina pa siya tahimik at naka tingin lang sa bintana.
I wonder kung anong tumatakbo sa isip niya?
Mukha kasi siyang umiyak kaso hindi din ako sigurado dahil baka ganoon lang talaga ang mata nya kapag bagong gising.
O baka naman naiisip na niyang gusto niya rin ako?
"Uh-Bakit mo pala ako sinundo? Hindi naman kailangan."
Nilingon niya ako ngayon.
Ako naman ang hindi makatingin ng diretso sakanya.
Bakit ba ganito?
Naririnig ko tuloy ang boses ni Alonso sa utak ko.
"Oh ano, torpe ka talaga?"
"Wala naman. Gusto ko lang."
"Gusto mo dahil?"
Nilingon ko sya.
Hinihintay padin nya ang sagot ko.
"Bakit, bawal ba?"
"Hindi naman..nag tataka lang ako at biglaan."
Gusto mo din naman pala? Ibig sabihin ba nito gusto mo din ako?
"Bukas susunduin ulit kita."
"Huh? Hindi na. Kaya ko namang pumasok ng school mag isa."
"Alam ko. Gusto lang kitang samahan pumasok sa school. Pwede naman yon hindi ba?"
Nag lalakad na kami sa hallway papunta ng classroom. Pansin kong naiilang parin ito.
Naiilang ba siya saakin? Am I that annoying?
Suot na niya ang salamin na binigay ko. Aaminin kong mas maganda siya kapag walang salamin.
Iba yung atake niya saakin kapag hindi suot ito. Iba din ang atake kapag suot niya ito. Mas lalo siyang nag mumukhang inosente.
"Pwede mo akong hintayin sa gate..bago pumasok sa school."
Sinabi niya yon ng hindi ako nililingon. Para bang hangin ang kausap niya.
Nasisinagan na kami ng araw at gusto ko siyang payungan, namumula na din ang maputing balat nito dahil sa init.
Pucha.
Pati sa pag kuha ng payong kinakabahan ako? Anong nakaka kaba sa pag kuha ng payong?
"Sure. Sabay nadin kaya tayo mag breakfast?"
"Bakit? Hindi ba masarap ang breakfast sa bahay nyo?"
Natawa ako duon. Naisip ko tuloy kung masarap nga ba ang breakfast samin.
Usual lang naman na scramble eggs, bacons, rice and wheat bread.
"Masarap naman. Gusto lang kitang makasabay kumain ng breakfast kung okay lang sayo.."
Pinag papawisan ako, pucha! Hindi naman ako pawisin!
"Uhm.."
"Okay lang if ayaw mo.. hihintayin parin kita sa gate."
Kanina hirap na hirap akong lumabas ng kotse para mag door bell sa gate nila, tapos ngayon, ganito.
Nauutal pa ako.
Tinulungan ko nalang siya sa mga bitbit niyang libro at projects sa ibang subject.
Next time ko nalang ulit siya aayaing mag breakfast.
"Okay lang naman."
Nakita kong nilingon niya ako, agad ding nag iwas ng tingin. Okay lang? Payag siya?!

BINABASA MO ANG
A Second To Infinity (Case Series #2)
Fiksi RemajaFirst love will always be the best thing that a Jared Elliot Maximilliano will ever experience. It is when he met the beautiful and smart student of their school campus, Maika Leigh Mercedes. She became his everything. From being each other's first...