Chapter 2

4 1 0
                                    

Faye's POV

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa tapat ng pinto ko. Hinahanda ko na ang sarili ko, I need to be strong on whatever words that they may throw at me. Kailangan kong pigilan ang mga emotion ko pag nakita ko na ulit sila, dahil ngayon ko lang ulit sila makikita ng matagal. Ngayon lang makalipas ang isang taon.

Hinawakan ni Ate Cass yung balikat ko at bumulong sa tenga ko. "Kahit anong mangyari, andito lang ako. Andito lang kami ng mga Kuya mo. Alam kong proprotektahan ka nila dahil mahal na mahal ka nila." 

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya sa balikat ko. "Salamat sa lahat Ate."

"Walang anuman. Syempre balae kita eh at ang tagal ko nang gustong magkaroon ng nakababatang kapatid kaya lang only child ako." 

Halos parehas lang kami ni Ate Cass ng ugali kaya naman ay mabilis kaming naging malapit sa isa't isa. 

Huminga ako ng malalim atsaka na binuksan ang pinto. Pumunta na kami ni Ate sa hapag kainan at doon ko naman nadatnan sina mom and dad na nakaupo habang si Kuya Flynn ay kakalapag lang ng kanin sa gitna ng lamesa. Si Kuya Fidel naman ay palabas ng kitchen na may dala-dalang isang pitchel ng tubig at isang bote ng orange juice.

Umupo na kami ni Ate Cass at doon ako napunta sa harap ng Mom ko. Kita ko naman ang matalim niyang tingin sakin nung umupo ako. Relax Faye, isipin mo na wala sila diyan. Kaya mo yan. Hinawakan naman ni Ate Cass yung kamay ko sa ilalim ng lamesa. Siguro napansin na niya yung tingin ni Mom. Binitawan niya naman agad yun ng nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang kami ng biglang magsalita si Dad. "How's work Fidel?" 

"It's fine Dad. The company is doing well, especially in this time of season." magalang na sabi ni Kuya Fidel.

Tumango naman si Dad at tska tumingin kay Kuya Flynn. "How about you Flynn? How's your work?"

Nagpunas naman si Kuya Flynn ng bibig bago sumagot. "I'm doing good Dad. Work's also good. A little stressful but kaya naman."

"That's good." sabi ni Dad

"I'm so proud of the both of you." sabi naman ni Mom. Of course she will be proud of them, she always did. Dati ganyan din siya sakin, but things have changed.

"Cass, ikaw hija? Kamusta ka na?" tanong ni mom kay Ate Cass. "Sinestress ka ba nitong si Flynn?"

"Mom!" saway ni Flynn.

"What? I'm just asking?" Mom said.

"Ok naman po Mom. Flynn has been also sweet to me, hindi naman niya ako sinestress." magalang na sagot ni Ate.

"Mabuti naman." sabi ni Mom.

Naging tahimik naman ulit ang hapag kainan. Mabuti na hindi nila ako tinatanong pero masakit din at the same time. Ibig sabihin wala na silang paki sakin at kung ano man ang mangyari sakin. Memories of our family dinners came flashing through my mind, nung mga panahon na masaya pa nila akong kinakausap at yung mga panahon na laging nagpapatawa si Kuya Flynn. But now, all you can see is a cold family. Hindi na nagpapatawa si Kuya Flynn. Ang tahimik. 

Natapos kaming kumain at tska naman nagpaalam sina Mom and Dad kayna Kuya at Ate. Pero hindi ipalalagpas ni tadhana na masaktan talaga ako.

"I advice you Fidel to not let her into your condo. Nadudumihan lang, sayang naman." Sabi ni Mom na nakatingin sakin ng matalim at tska sinarado ang pinto bago pa makapag react sina Kuya.

Unti-unti namang bumuhos ang luha ko at napa-upo sa sahig. Tulala lang ako. Ang sakit sakit na matawag ka ng iyong ina na madumi. Lahat ng nangyari ay unti-unting kong nakikita ulit. Hindi ko na makita sina Kuya. Hindi ko na sila marinig. Bumabalik sakin lahat ng alala na pilit kong kinakalimutan. 

Under My Wings (De Luna Series #1) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon