Faye's POV
Nakaupo ako ngayon sa balcony ng school na pinapasukan ko. Dito ako palaging tumatambay. Mag-isa lang ako dahil wala naman akong kaibigan. Hindi naman sa ayaw ng mga classmate ko sakin, ako ang may ayaw. Ayoko na magkaroon ng mga kaibigan na iiwan lang din ako dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
Masaya ang buhay ko noon. Mahal na mahal ako ng magulang ko dahil ako ang unica hija nila. Yung mga kuya ko sobrang paborito ako, ako daw kasi ang princesa nila. Madami akong din akong kaibigan. Pero kahit na nasakin lahat ng attention nila, hindi ako spoiled. Ok lang sakin kung gusto nila ako o hindi, bahala na sila kung ano yung iisipin nila tungkol sakin. Pero kahit na madami akong kaibigan at mahal na mahal ako ng magulang ko, hindi ko alam na dahil lang sa isang bagay ay itatakwil na nila ako. Ang hindi lang umalis ay yung mga kuya ko, yung mga kuya ko na alam na hindi ko kailan man magagawa iyon. At dahil doon sa isyu na iyon, napilitan akong lumipat ng paaralan. Sa tulong ng mga kuya ko, lumipat kung saan kahit kailan man ay hindi ko makikita ang mga taong nagtakwil sakin.
Nananahimik ako ng biglang may nagbukas ng pinto ng balcony. Pumasok doon ang tatlong na lalaking sa tingin ko ay magkakaibigan. At dahil doon, naistorbo ang kapayapaan na kanina ay nagbibigay sakin ng oras mag-isip. Putcha naman oh! Hindi ba pwede na bigyan naman ako ng oras para mag emote?
"Hey Reiji! Where is the ball?" sigaw nung isa sa kanila doon sa lalaking medyo may kahabaan ang buhok. Medyo moreno siya ngunit kitang kita mo na may halo siyang hapon dahil sa singkit niyang mata. Obvious din naman sa pangalan niya diba.
"I don't know. Ask Gray." turo nung Reiji sa lalaking katabi niya. Kulay berde ang mata niya at may itim na buhok.Mukhang may halo siyang Amerikano.
"Luh?! Why me? You said you'll bring the ball." sabi nung Gray dun sa lalaking nagturo kay Drake, yung lalaking sumigaw kanina.
"Oh I remember that you will bring the ball today, Drake." sabi ni Reiji.
"I didn't." Sabi nung Drake. Kulay brown yung buhok niya at medyo kamukha niya yung Gray pero ang kakaiba nang ay yung buhok at mata nila. Siya kasi brown lang di yung mata niya katulad nung buhok niya.
"Yes, you did!" sagot nung Reiji.
Nag-away pa sila saglit at maya-maya pa ay bigla nalang sila nagbatuhan ng sapatos.
Tss mga baliw! Nasa college na pero ganyan parin kung umasta, parang mga bata. Hindi ko nalang sila pinansin at kumain ng lang ng sandwich na dala-dala ko.
Ok na sana eh, kung hindi lang ako natamaan ng sapatos sa ulo habang kumakain, medyo nabulunan tuloy ako, buti nalang saglit lang yun.
"Sorry I didn't mean to." sabi sakin nung isa sa mga lalaki. Sa tingin ko ay siya yung Gray kasi siya yung may green na mata. Inabot ko na lamang yung sapatos sa kanya at hindi nagsalita. Tumango nalang ako sa kanya, indicating na ok lang.
"Shit! You're so dead Gray." sabi nung isa pa na papalapit na sa amin. Hindi naman siya pinansin nung kaibigan niya at tumitig lang sakin.
Lumapit na rin yung isa nilang kaibigan. "I'm so sorry about what happened." sabi nung Drake. Tumango lang ako at iniwas na ang tingin ko sa kanila. I need less contact from them. Hindi lang kasi popular sila dahil sa kanilang looks, ayokong maka-usap sila kasi ayokong mangyari ulit ang nangyari sakin.
"Hi! I'm Grayson Smith." sabi bigla nung nakatama sakin at naglahad ng kamay niya para maki pag shakehands.
Ayokong hawakan yung kamay niya but that would be rude if I do that. So unwillingly, I just grabbed his hand and shake it. "Faye." sabi ko at agad na binitawan ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Under My Wings (De Luna Series #1) ON-HOLD
RomantizmFirst book of De Luna series. ~~~~~ Faye De Luna was an innocent girl. She was filled with hope and love. She was always the center of attention because of how sweet and friendly she was. But after that incident, she lost everything. She was reject...