Chapter 7

3 1 0
                                    

Dahil pinayagan ako ni Kuya, nagmadali akong maligo at magbihis. I just wore a white t-shirt, some jeans, and white sneakers. I tied my hair in a half-ponytail and put a white ribbon. I also wore my canvas handbag na bigay ni Ate Cass sakin. 

 I just want to forget immediately. Nang matapos ay agad akong nag-intay sa sala. I was planning on going to the mall and I will visit Kuya Flynn and Ate Cass later ng hapon.

"Hindi kita masasamahan dahil ayaw mo pero ihahatid kita sa mall." sabi ni Kuya na umupo sa tabi ko. Nagsuo-suot siya ng sapatos niya. Nang matapos siya ay kumuha siya ng card sa wallet niya at inilahad sakin. "Gamitin mo toh pang shopping."

"Nako Kuya! Wag na! May pera pa naman ako." sabi ko. Ayoko namang gastusin yung pera ni Kuya. Siya at si Kuya Flynn na nga nagbabayad ng tuition fee at mga pangangailangan ko eh. Pati mismo pang check-up ko sila ang nagbabayad. Ayoko naman na pati pang-shopping ko ay sasagutin nila.

Umiling si Kuya at kinuha ang kamay ko. Inilagay niya ang card niya sa kamay ko bago ito bitawan. "Don't use your savings. Gamitin mo nalang yun in case of emergency. Ito nalang ang gamitin mo pangbayad." sabi ni Kuya na tinutukoy yung card.

"Pero Kuya--" tutol ko ngunit hindi pinatapos ni Kuya. "Just use it Faye." bumuntong-hininga nalang ako at itinago na yung card. Kahit kailan talaga ayaw akong pagbayarin ni Kuya.

Pumunta na kami sa parking. Pagkapasok namin sa kotse ay agad niya iyon binuhay at nag-drive papunta sa mall. "Kuya, I'll go to Kuya Flynn's house later. Dun mo nalang ako sunduin." sabi ko habang nasa biyahe.

Tumango nalang si Kuya bilang pagsang-ayon. Namiss ko na kasi si Ate Cass at si Cloud eh, pero di ko namiss si Kuya Flynn. De joke lang, baka di na ako papasukin nun sa bahay. Hinatid na ako ni Kuya sa mall malapit sa bahay nina Kuya Flynn para hindi na ako mahirapan magbiyahe. 

"Thank you Kuya! See you later." sabi ko at hinalikan sa pisngi si Kuya. Binuksan ko na yung pinto pero bago pa man ako makalabas ay nagsalita si Kuya. "Ingat ka. Call me if you need anything." tumango nalang ako bago tuluyang lumabas at isarado ang pinto ng sasakyan. Pinanood ko munang makaalis si Kuya bago ako pumasok sa loob ng mall.

I'm planning to buy some school supplies, naubos ko na kasi yung mga stock ko sa bahay eh. I'm also planning to buy some gifts for Kuya Fidel, Kuya Flynn, and Ate Cass. Wala namang occasion, I just want to give them gifts sa laging pagiging nandyan pag walang-wala ako. Syempre hindi ko gagamitin yung card ni Kuyapambayad sa ireregalo ko sakanila, I want to pay it with my own money kasi kung gagamitin ko pera ni Kuya parang siya na yung nagregalo. I'm also planning on giving Gray, Drake, and Reiji some gifts. Buti nalang dala ko yung ipon ko.

Pumunta muna ako sa bookstore para hindi masyadong mahirap dalhin dahil puro refills lang naman ang bibilhin ko. Nang matapos ay inilagay ko ang pinamili ko sa bag ko dahil maliit lang naman ang paperbag at wala pang handle. Yoko naman magpakahirap na magdala ng ganun kung pwede ko naman ilagay sa bag ko, diba?

Pagkatapos nun ay agad akong dumeretso sa clothing store. Kumuha ako ng dalawang hoodie, isang black at isang gray, para kay Kuya Fidel at kay Kuya Flynn, nilagay ko iyon sa shopping basket na dala ko. Lagi kasi silang nagsu-suot nito pag gumagala kami eh, minsan nga kahit ang init-init nakasuot parin sila nun eh, tataka nga ako kung bat di pa sila na-heat stroke sa init. Syempre magkaiba ng design yung pinili ko sa kanila, ayoko naman na magkaparehas sila, baka pagkamalan silang unidentical twins. 

Kumuha naman ako ng off-shoulder na top for Ate Cass. Mahilig si Ate Cass sa mga off-shoulder na damit dahil mas presko raw pag di natatakpan ang balikat niya. Kumuha ako ng color gray nun par partner sila ni Kuya Flynn. Maarte kasi si Kuya Flynn eh, gusto niya partner sila ni Ate Cass. Minsan talaga aakalain mong bakla si Kuya Flynn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under My Wings (De Luna Series #1) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon