Chapter 3

3 1 0
                                    

Faye's POV

Nakalipas ang dalawang araw ng magstay muna ako dito kayna Kuya Flynn. Naging ok naman ang weekend ko doon. Ginawa rin nila ang lahat to make me feel busy para hindi ko maalala yung nangyari. Sa totoo lang, nakalimutan ko na eh. But when I close my eyes, I can always see it. Para siyang sirang plakang paulit-ulit na nagplapalay sa utak ko. Paulit-ulit kong naririnig ang boses ng Mom ko. Paulit-ulit ko siyang nakikita.

Monday na ngayon at kailangan kong pumasok sa school. I'm studying to become a pilot. It has always been my dream since I was still a kid. My grandfather used to be one when he was still here kaya I got influenced by him. And since it  happened, the sky always calms me down. 

Sumabay ako kay Kuya Flynn papasok sa school. Malapit lang kasi yung ospital na pinagtratrabahuhan niya sa school ko eh. Si Ate naman iba yung daan papuntang office niya kaya magkahiwalay pa sila ni Kuya ng kotse.

Naging normal naman ang araw ko. As usual, pumunta ulit ako sa terrace ng school. Isa kasi yun sa mga tahimik na lugar dito sa campus, maliban nalang ang library. I was just looking at the sky, how the clouds seemed to move so slow, how the birds flew in flocks, how blue is the sky, and how bright is the sun to shine down on us. 

Maaabot din kita someday.

"Huy diba si Faye yun?" sabi ng isang lalaki na kakapasok lng sa terrace. "Hi Faye!" sigaw niya na parang excited na excited na makita ako.

Lumingon ako at doon ko naman nakita si Drake, yung lalaking nagpakilala sa akin nung Friday. Kasama din niya yung dalawa, si Reiji at Grayson. Lumapit ang mga ito sa akin at umupo sa bench na inuupuan ko.

Katabi ko sa right si Grayson, si Drake naman ay nasa left ko habang si Reiji ay umupo dun sa arm rest sa tabi ni Reiji.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Drake. Nanlaki naman ang mata ko. Marunong siyang mag Tagalog?!

"Oh bat ganyan ka makatingin?" sabi niya ulit. "May dumi ba ako sa mukha?"

"W-wala naman." nauutal kong sagot. I still can't get over the fact na marunong siyang mag Tagalog. Mukha talaga kasi siyang Americano. Pati narin si Grayson ganun dahil sa mata niya na berde. Si Reiji lang talga ang makikita mong may halong Pilipino dahil sa balat nito. Makikita mo rin sa features niya ang pagiging Pilipino, ang mata lang niyang singkit ang naiiba.

"Eh bat kung makatingin ka parang may dumi ako sa mukha?"tanong ulit ni Drake.

"Marunong kang mag Tagalog?" natawa naman silang tatlo sa sinabi ko. Putcha nakakahiya! Sana pala hindi nalang ako nagsalita.

"Oo, isa sa mga magulang namin ang Pilipino." sabi ni Reiji.

Namula naman ako sa kahihiyan. I still can't believe that I judge them. Hindi ako makatingin sa kanila dahil sa ginawa ko.

"I'm really sorry." sabi ko habang nakayuko parin.

"Hey, it's ok. Normal naman samin yun." sabi ni Grayson.

Tumango lang ako at tumahimik na ulit. Naiilang ako sa kanila Una, dahil lalaki sila. Pangalawa, hindi na ako sanay na may kasamang ibang tao maliban sina Kuya. 

"Oo nga pala, bat lagi kang nandito?" tanong ni Grayson sakin. Napatingin naman sakin sina Reiji at Drake. Halata din sa mukha nila na nagtataka.

"Umm, k-kasi tahimik dito?" nauutal kong sabi. Ugh, para kang tanga Faye. Di ka manlang makapag salita ng maayos.

"Why are you answering my question with a question?" sabi ni Grayson.  Napatungo naman ako. Shacks! Di ko alam kung anong sasabihin ko.

"Uy! Lagot ka Grayson! Tingnan mo, Paiyak na si Faye." Malakas na sigaw ni Drake kay Grayson. Binatukan naman ni Reiji si Grayson.

Under My Wings (De Luna Series #1) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon