Nandito kami ngayon sa kotse ni Kuya Fidel. Papunta na kami sa restaurant na kakainan namin kaya lang medyo traffic.
"Faye." tawag sakin ni Kuya kaya napatingin ako sa kanya.
Bumuntong-hininga siya bago magsalita. "I'm really sorry about what happened bago ako umalis. If I had known na gaganunin ka ni Mom, hindi ko na sana sila pinapasok."
Nginitian ko naman siya. "It's ok, kuya. Di mo naman sila pwedeng hindi papasukin dahil at some point ay magulang parin natin sila."
"They are not my parents anymore after what they treated you."
"Kuya, hindi naman pwedeng ganun. Kahit na may ginawa silang hindi tama ay magulang parin natin sila. They still sacrificed so much for us, lalo na nung bata pa tayo."
Bumuntong-hininga ulit siya. "Fine, but still. I'm sorry dahil umalis ako. I should have stayed with you. Sana di nalang ako umalis para mabantayan kita."
"Kuya naman. It's ok na nga eh. Tsaka ako yung pumilit sayo na umalis dahil kailangan mo yun sa trabaho and I don't want to be in the way of your work."
"You are my sister. You are not a hindrance to me. You comes first before work, ok?" sabi niya at kinuha yung kamay ko.
Tumango nalang ako, not wanting to argue. Kilala ko si Kuya Fidel, kung anong gusto niyang sabihin ay sasabihin niya talaga. May pagka-straight froward kasi siya, pero kung ano yung lumalabas sa bibig niya, siguradon totoo yun.
Nakarating na kami sa restaurant. Pagkapasok ko ay namangha ako sa disenyo ng loob nito. Makaluma. Parang bumalik ka sa mga panahon ng Kastila. Siguro kaya ito ang napili ni Kuya dahil alam niya na mahilig ako sa makaluma.
"Reservations for De Luna." sabi ni kuya doon sa reception.
Tumango naman yung receptionist. "Right this way, Ginoo at Binibini."
Wow! Even sa pagtawag ay makaluma ah. Yiee! Kinikilig ako amputcha. Napansin ko rin na yung mga staff is nakapangmakaluma rin. Dapat talaga sinabi ni Kuya para nagsuot ako ng baro't saya.
Nang makarating na sa table namin ay inalalayan naman ako ni Kuya na umupo bago siya umupo sa harap ko. Binigay naman ng waiter yung menu kaya tumingin ako pero ganon nalang din ang gulat ko ng makita ko ang presyo.
"Kuya, yoko na dito. Ang mahal." sabi ko.
"Di naman mahalaga ang presyo, Faye. Basta masaya ka." sabi niya ng hindi inaalis ang mata sa menu. Napasimangot naman ako, edi siya na mayaman. Sabagay libre naman niya ako eh. Hehehe!
Umorder na kami at pagkatapo nun ay tumingin naman sakin si Kuya." After nito, punta tayo sa Intramuros since maganda raw doon pag gabi na."
Napangiti naman ako. "Really?! Thank you Kuya!"
"Anything for my baby bunso."
Saglit lang ay dumating na yung inorder namin. Tahimik lang ako ng biglang nagsalita si Kuya. "Wala pa bang nangliligaw sayo?"
Nasamid naman ako sa kinakain ko kaya napa-ubo ako. Inabot ko ang tubig ko at uminom bago ako sumagot. "Kuya naman! Syempre wala pa, at wala akong balak magkaroon nun."
"Sure?" tumango naman ako. "Baka mamaya malalaman ko na may nanliligaw na sayo ah, bubugbugin ko yon ng stick."
Natawa naman ako. Seriously?! Bat stick ipambubugbog niya? Tska wala naman talaga akong balak magkaroon ng boyfriend eh. Di pa ako handa para doon. Masyado pa akong bata para doon. Char.
Natapos ang pasyal namin ni Kuya. Masaya akong nakatulog, bahagya ko na rin nakalimutan ang pangyayari noong nakaraan. Pagpasok ko sa gate ng school ay ganon nalang ang gulat ko ng may tatlong lalaking nakatambay sa may harap ko ngayon. Pinagtitinginan din sila ng mga estudyante doon dahil siguro sa foreigner nilang itsura. Sa sobrang titig nila ay feel ko nakakita sila ng alien na galing sa ibang planeta. Ha! Alien.
BINABASA MO ANG
Under My Wings (De Luna Series #1) ON-HOLD
RomanceFirst book of De Luna series. ~~~~~ Faye De Luna was an innocent girl. She was filled with hope and love. She was always the center of attention because of how sweet and friendly she was. But after that incident, she lost everything. She was reject...