Chapter 5

2 1 0
                                    

Matagal na simula nung una kong nakilala ang tatlong lalaking bigla nalang pumasok sa buhay ko. Literally, sino ba naman kasi ang taong sasabihin na kaibigan ka na nila ng dalawang beses lang kinakausap? Kung meron man, hindi ako yon. Anyway, nandito kaming apat sa terrace ng school. Dito na kami madalas tumatambay kasi mahangin. Nakaupo kami dito sa bleachers. Magkatabi si Reiji at Drake habang katabi ko naman ay si Gray. Sa kanilang apat ay si Gray ang pinaka-close ko. He is like a fresh air to me since yung dalawa ay kaugali ng mg kuya ko.

"Basta ako sasali ako sa choir." daldal ni Drake. Kahit kailan talaga ang daldal nitong isang toh.

"Wehhhh? Marunong ka bang kumanta?" tanong ni Gray.

"Syempre!" sabi ni Drake.

"Di nga? Di ka naman kumakanta dati ah." sabi ni Reiji.

"Marunong nga ako!" sigaw ni Drake dun sa dalawa. Halatang naaasar na. "Diba Faye marunong ako?" tanong niya sakin. Nagkabit-balikat naman ako sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung kumakanta toh eh. Alam ko lang madaldal siya.

"Sige nga. Spell mo muna ang choir."  sabi ni Reiji ng nakangisi.

"Q-h-o-i-r." proud na sai ni Drake. Napailing naman ako. What the hell? 

Binatukan naman siya ni Gray. "Mmm, tanga."

"C yon baliw." sabi naman ni Reiji na nakahawak sa sentido niya. Halata sa itsura niya na nagtataka siya kung bat pa nag-aaral tong isang toh.

Nagkulitan pa kami hanggang sa mag gagabi na. As usual ay magkasabay nanaman kaming bumaba at lumabas ng school para pumunta sa parking lot. Sumakay kami sa kotse ni Gray. Pag hindi kasi ako masusundo ni Kuya Fidel ay sumasabay ako sa kanila dahil madadaanan naman nila yung condo namin.

"Faye, pwede kami pumunta sa bahay mo?" sabi ni Drake na katabi ko sa passenger seat. Si Gray naman ay nagmamaneho habang nasa shotgun seat namn si Reiji, halatang ayaw na makatabi si Drake kasi kanina binging-bingi sa kaingayan niya. 

"Paalam ko muna sa Kuya ko kung pwede." sabi ko. Syempre! Hindi ko naman condo yun. Hindi rin naman ako nagbabayad dun kaya syempre kailangan ko magpaalam kay Kuya. Nilabas ko ang cellphone ko at dinail yung number ni Kuya Fidel.

"Hello?"  sagot ni Kuya Fidel. Mukhang hindi niya binasa yung pangalan bago sinagot yung call. Siguro busy siya.

"Kuya." sabi ko.

"Oh Faye, napatawag ka." 

"Kuya pwede po ba pumunta yung mga kaibigan ko sa bahay?" tanong ko na kinakabahan. 

"Sure!" sagot niya. Halata pa sa boses niya na masaya siya. Matagal na rin kasi bago ako nagyaya ng kaibigan sa bahay eh. "Pauwi na rin ako. I want to meet your friends."

"Ok. Thank you Kuya. Bye."

"Bye." sagot niya bago binaba ang tawag. tinago ko na rin ang phone ko ng makitang nakatitig silang lahat sakin, maliban nalang si Gray dahil nagmamaneho siya pero tumitingin-tingin din siya sa rear view mirror.

"What?" tanong ko sa kanila ng nakataas ang kilay. Grabe naman sila makatitig. Parang konti nalang magiging statue na sila dahil hindi sila gumagalaw at kumukurap.

"Anong sabi?" tanong ni Drake.

"Pwede ba raw?" tanong naman ni Reiji. Ok kaya pala sila nakatitig sakin. Lokohin ko kaya? 

Umiling ako. Nakita ko naman silang bumuntong-hininga. Siguro gusto talaga nilang pumunta sa bahay namin. Nakita ko sa mukha ni Reiji at Gray ang pagkadismaya habang si Drake naman ay paiyak na. Natawa naman ako ng suminghot na si Drake. Sabihin ko na nga, kawawa naman si Drake eh. "Joke lang! Pinayagan kayo na pumunta sa bahay." sabi ko at nag peace sign.

Under My Wings (De Luna Series #1) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon