Chapter 6

2 1 0
                                    

Naabutan ko si Kuya na nakaupo sa sofa habang kaharap niya ang tatlong lalaki na nasa kabilang sofa. Seryoso lang ang tingin ni Kuya, ganon lang din ang itsura ni Reiji. Kung tutuusin, parehas sila ng aura ni Reiji, kinakabahan ako na baka kung anong mangyari. Si Gray naman at Drake ay kinakabahan, tumutulo pa nga pawis ni Drake kahit na nakabukas aircon eh. Luapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Kuya.

"Kuya, these are my friends. Si Reiji, Drake, and Gray." pakilala ko sa kanila at isa-isa silang tinuro. 

Tumango naman si Kuya. "Nice to meet you. I'm Fidel, the eldest sibling of Faye." sabi ni Kuya at nakipag-kamayan sa kanilang tatlo. Nangangatog pa nga si Drake nung tanggapin niya yung kamay ni Kuya eh.

"Nice to meet you rin po." sabi ni Gray. Tumango lang si Kuya at naging tahimik ulit ang paligid.

"Ano ba yan? Bat ang tahimik niyo?" angal na sabi ko. Ano? Magstastaring contest kami dito? Kung ganun lang din ay sana di nalang ako lumabas ng office ni Kuya.

Tumawa naman si Kuya at ginulo ang buhok ko. "Eto naman, ang KJ." Nakita ko yung tatlo na nagulat pa ata sa tawa ni Kuya. Hahaha mukhang nadiskubre nila na tumatawa pala ang Kuya. Tumingin naman sa kanila si Kuya kaya ma lalo silang nagulat. Umayos naman ng upo si Gray at Drake. Si Reiji naman ay wala lang, nakaayos na kasi ito ng upo kanina pa at nakapalumbaba siya sa kamay niya.

"Kumain na kayo. Lalo ka na Drake, mukha kang mahihimatay diyan." sabi ni Kuya sabay ngiti. Natawa naman kaming tatlo nina Gray habang tinitingnan si Drake. Napaubo-ubo pa si Drake dahil nasamid sa sariling laway nung ngumiti sa kanya si Kuya. Inabutan naman siya ni Kuya ng tubig na agad niya ring ininom habang nakatingin sa Kuya ko. Namumula-mula pa nga ang pisngi eh, siguro nakulangan sa hangin.

"Anyway, paano kayo nagkakilala?" tanong ni Kuya. Masaya namang sumasagot si Reiji at Gray sa mga tanong ni Kuya. They actually started a conversation na hindi ako kasama. Si Drake naman ay tahimik lang at umiinom ng soft drinks at nilalantak ang chichirya. Kanina ko pa pinagmamasdan si Drake dahil minsan lang ito manahimik ng sobra. To be honest, parang ngayon ko lang ata nakita si Drake na tahimik. 

Patigin-tingin din si Drake sa Kuya ko tuwing ngingiti at tatawa iyon. Hindi ata nahalata ni Drake na nakatingin ako sa kanya. Umiinom siya ng softdrinks habang nakatingin sa Kuya ko nang may na-realize ako. "WHAT THE HECK?! May crush ka ba sa Kuya ko, Drake?" sigaw ko sa sobrang gulat.

Natigil naman ang tatlo sa pag-uusap habang si Drake ay umuubo dahil lumabas sa ilong niya ang softdrinks na iniinom niya. Ouch! Ang sakit non. Nakatingin namn kaming lahat kay Drake na hanggang ngayon ay umuubo-ubo parin na may luha pa sa mata. Binigyan naman siya ni Gray ng tubig. Uminom siya doon ngunit uubo-ubo parin pagkatapos. 

"Should we take him to the hospital?" nag-aaalang tanong ni Kuya. At pumunta sa tabi ni Drake para himasin ang likod nito dahil ubo parin ito ng ubo. The heck? I see a connection.

Napangisi naman ako. Mukhang may bago na akong OTP ah. Shacks kinikilig ako, my ship is sailing. Napatingin naman sakin si Gray at Reiji, nakangisi din silang dalawa. Mukhang nag-gets na nila. 

"Ah, hindi na po kailangan. Mukhang ok magiging ok naman na po siya mamaya." sabi ni Gray na nakangisi. Tumango naman si Reiji habang nakangisi din.

"Kung pagpahingahin muna natin si Drake sa kwarto mo Kuya? Dahil wala naman tayong guest room, dun nalang sa kwarto mo." suggest ko. 

"Bat sa kwarto ko? Bat hindi nalang sa kwarto mo, tutal kaibigan mo naman siya." takang tanong ni Kuya habang hinihimas parin ang likod ni Drake. Medyo nahimasmasan na siya ngunit pulang-pula parin ang mukha. Hindi ko nga alam kung kinikilig lang siya or masakit parin yung ilong.

Under My Wings (De Luna Series #1) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon