Chapter 3

787 23 3
                                    


"Miss Perez! Yung pinapahanap kong documents!" Dinig kong sigaw ni Josh mula sa kaniyang opisina.

Isang linggo na ang nakalipas at sa mga nagdaang araw ay ganito lang lagi. Puro sigaw at utos niya ang naririnig ko. Nakakasawa na nga eh yung tipong gusto ko nang i-tape yung bibig niya. Nakakairita siya at nakakarindi.

"Miss Perez!" Sigaw pa nito. Napabuntong hininga ako at patuloy na hinanap ang dokyumentong pinapahanap niya.

Dinig yata sa buong building ang sigaw nang boss ko na 'yon jusme.

Nang mahanap ng tuluyan ang dokyumentong pinapahanap niya ay agad na akong pumasok sa opisina ni Josh at inilapag ang brown envelope sa table niya ng padabog.

"Galit ka?" Tanong nito na may malamig na tono. Minsan natatakot ako sa lalaking ito dahil sa lamig niyang makipag-usap. Minsan lang mas gusto ko nga siyang sinasagot eh kaso hindi pwede dahil baka mapaalis ako dito nang wala sa oras mayari din ako kay Ms. Mary.

"No sir. May kailangan pa po ba kayo? Kung wala lalabas na ako." Nang walang marinig na sagot mula sa kaniya ay nagsimula na akong maglakad palabas.

"Wait." Huminto ako at hinarap siyang muli. "Get me a coffee." Utos niya. Tumango-tango lang ako. "Pero gusto ko bumili ka sa Starbucks." Napanganga ako sa sinabi nito. What the fuck? Ang layo layo ng starbucks dito.

"Pero si—"

"Now." Pagpigil nito sa sasabihin ko. Napabuga nalang ako ng hangin. Kahit kailan talaga.

Tuluyan na akong lumabas nang office niya at kinuha muna ang coat ko sa swivel chair ko bago tuluyang umalis sa building. Wait. Wala akong kotse. Hayop talaga.

"Athena." Napatingin ako sa bandang likuran ko nang may tumawag sa'kin. Si VP. Stell. Nakangiti itong naglalakad patungo sa direksyon ko. "Bakit ka palabas ng building?" Tanong nito nasa harapan ko na siya ngayon.

"Ah inutusan po ako ni Sir Josh na bumili ng kape." Nakita ko ang pagkunot ng noo nito.

"May coffee naman sa canteen ah." Ani niya.

"Sa Starbucks po ako bibili. Ayaw yata ni Sir Josh ng kape riyan sa canteen." Peke akong ngumiti at mukhang napansin naman ito ni Stell kaya natawa siya.

"Gusto mo samahan kita?" Tanong nito sa'kin. Tila nabuhayan ako may kotse ang lalaking ito at kapag pumayag ako 'di na ako magcocommute.

Tumango tango lang ako at ngumiti lang ito.

"Let's go then."

Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya at sa pagkakaalam ko may isang Starbucks malapit dito sa dinadaanan namin. Halos ngumiti ako hanggang  langit nang makita na meron nga.

"Ayon Sir." Ani ko kay Sir na nakatingin na rin pala doon. Niliko nya ang kotse at pinark.

Lumabas na kami at dali dali akong pumasok sa loob para makabili na agad. Akala ko ay hindi bibili si Stell pero tumayo rin siya sa tabi ko para makapag-order. He ordered something at hindi ko alam kung ano iyon.

He looked at me and smiled. "Ako na ang mag-o-order for Josh. Alam ko naman kung ano ang kape niya e." Anito. Tumango nalang ako dahil hindi ko rin pala alam ang kape ni Josh.

Wala sa sariling natawa ako dahil sa katangahan ko. Hindi ko naitanong kay Josh kung ano ba ang ipapabili niyang kape.

"Why are you laughing?" Nakangiting tanong ni Stell. Hindi ko namalayang tapos na pala siyang um-order.

"Nothing po." I chuckled. He gestured for me to sit on the chair that was near the counter. sinunod ko naman iyon at umupo rin siya. Magkaharap lang kami.

His New Secretary [SB19 FF] [JOSH]Where stories live. Discover now