I looked at Sir Stell, who had just gotten out of his car and was now walking towards me. He's looking at me worriedly.
"Athena. Are you okay? What happened?" Tanong nito nang makalapit siya.
I just smiled and shook my head, hindi ko alam ang isasagot. He sat beside me and handed me a bottled of water. I smiled a bit and accepted the bottled water.
"Sabi sa'kin ni Mary na aalis ka na raw sa kompanya? What did Josh do to make you make such a decision?" Pagtatanong niyang muli.
"Pwede ko ba siyang murahin sa harap mo?" Balik kong tanong. Gusto ko na talagang murahin ang isang 'yon.
I heard the man laugh. Nagtataka ko siyang tinignan. He looked at me amusingly.
"Bakit, Sir?" Nagtataka kong tanong.
He shook his head. "Nothing. I just remembered someone like you. You guys really have something in common, naalala ko lang siya sa'yo." The way his eyes sparkled when he was talking about someone I wonder who this someone is.
Bigla ko tuloy naalala na pareho sila ni Sir Josh na nagbabanggit tungkol sa 'someone' na 'yan. Difference is, magkaibang tao ang pinag-uusapan nila at magkaibang expression ang nanggagaling sa mga mata nila.
Sir Josh's expression is sad when he talks about this person. Sir Stell, on the other hand, has a look of delight in his eyes. Magkaibang-magkaiba sila ng emotion. Iniisip ko tuloy sino kaya ang mga taong ito na nagpapasaya o nagpapalungkot sa kanila?
"Sino naman, Sir?" I asked curiously.
"It's someone who really looks the same as you." Biglang sumeryoso ang expression niya. Napakunot tuloy ang noo ko.
"Kamukha ko?" Nakita ko ang pagkatigil niya. Then suddenly his expression changed again.
Umiling siya. "Katulad mo." He smiled. "So, tell me. What happened? Pwede mo siyang murahin, it's okay with me." He chuckled.
Natawa naman ako pero agad rin akong nalungkot nang maalala ang nangyari kanina. "Your friend is really an evil, huh? Walang ka-preno-preno ang bibig. Hindi yata siya aware na nakakasakit na siya ng tao emotionally." Napabuga ako ng hangin at kinuwento sa kaniya ang nangyari.
Mula umpisa ng event, hanggang sa mangyari ang pangmamanyak sa'kin nung Alvarez, hanggang sa sabihan ako ni SIr Josh ng masasakit na salita at hanggang sa mapadpad ako rito.
"Hindi ko alam kung makakaya ko pang makita ang isang iyon pagkatapos nang nangyari kanina. Kaya ayaw ko na talagang bumalik sa company ninyo. I just want to stay with Ms. Mary. Siya kaya ko pang bantayan at pagsilbihan. Pero iyong Josh na 'yon hindi." Mangiyak-ngiyak na aniko.
Nagulat pa ako nang yakapin ako ni Sir Stell pero hinayaan ko nalang din. I think this is more than I need from him. Mas kailangan ko ang yakap, kaysa magcomment pa siya sa pag-rant ko.
"You don't need to come back if you want. But if there's a chance, please just forgive him for what he has done to you." Agad akong bumitaw sa yakap niya. Nagmamaktol ko siyang tinignan.
"Ayaw ko. Masyadong masakit ang mga sinabi niya. Ni hindi nga siya humingi ng tawad pagkatapos no'n." Galit na sabi ko.
Natawa siya. "Okay, sige. It's your choice. Ano pa bang magagawa ko. Mabuti pa hali ka na at ihahatid na kita sa bahay ni Mary." He said and I nodded.
Nang makasakay na kami ay agad niyang ipinaharurot ang kotse at pumunta na kami sa bahay ni Ms. Mary.
"Athena." Agad akong niyakap ng babae nang makita ako. "Ano ba kasing nangyari? Bakit gusto mo nang umalis doon?" Tanong nito.
YOU ARE READING
His New Secretary [SB19 FF] [JOSH]
FanficSB19 FANFICTION #1 [JOSH] Si Josh Cullen Santos ay isang owner ng isang sikat na clothing company dito sa bansa. Kilala siya ng mga empleyado niya bilang isang responsableng boss, todo sa hardwork at tila hindi napapagod. Pero bukod doon, kilala rin...