Chapter 1

1.4K 26 1
                                    

Author's POV

"Get out! You're Fired!" Sigaw ni Josh mula sa kaniyang opisina. Nagusap usap naman ang mga empleyado dito sa labas.

Lumabas naman mula sa loob ang kaniyang secretary na ngayon ay wala ng trabaho.

"Maghahanap nanaman ng paninbagong Secretary." Napabuga ng hangin si Stell bago bumalik sa kaniyang opisina.

"Miss Chavez?" Wika ni Stell na may kausap sa telepono.

"Yes, Mister Ajero?" Tanong ng babae sa kabilang linya.

"Mukhang kailangan na natin siyang ipasok dito. Kailangan na 0p0000pnatin siya." Ani pa ni Stell.

"Sige ako na ang bahala Mister Ajero." Wika naman ni Miss Chavez na nasa kabilang linya bago ibinaba ng tuluyan ang telepono.

Napahampas naman ng kamay si Stell sa kaniyang lamesa.

Nabaling ang attensyon nito sa pinto ng kaniyang opisina nang bumukas ito at iniluwal nito si Josh na namumula na dahil sa init ng kaniyang ulo.

"Stellvester!" Sigaw nito kay Stell. Tumayo naman si Stell upang salubungin si Josh. "Find a new Secretary, yung hinire mo palpak nanaman!" Singhal sa kaniya ni Josh.

"Naghahanap na ako Josh, wag kang magalala." Pilit na ngumiti si Stell sa kaniya. Aaminin niya maging siya ay takot rin dito.

Bestfriend mo ba naman ng 10 Years dahil lang sa isang trahedya magbabago ng ganiyan.

"Find a better Secretary Stell. Ayaw ko ng bobo at tamad." May diin na wika nito bago tuluyang lumabas sa office ni Stell.

Nakahinga naman ng maluwag si Stell nang mawala na sa paningin niya si Josh.

"Ugh. My best friend is turning into a beast. Ay hindi magtagal na pala siyang beast lumalala lang sa ngayon.". Napabuga siyang muli ng hangin bago umupong muli sa swivel chair at tinignan ang mga kailangan niyang aralin at pirmahan.

__

"What? Sigurado ka ba? Pero napagusapan na nating tatlo ito Mary." Wika ni Athena kay Miss Chavez o mas kilala bilang Mary.

"Kailangan namin ng tulong mo. Ito lang, ikaw lang ang kailangan namin para mapabago siya. Sige na Athena." Pagmamakaawa ni Mary Kay Athena na ngayon ay nagdadalawang isip pa rin. "Ito ang utos samin ng babaeng iyon kaya please help us."

Napabugang muli ng hangin si Athena bago unti unting tumango. Lumawak naman ang ngiti ni Mary at agad na niyakap si Athena.

"Thank you!" Wika nito.

"Kailan ba ako magsisimula? Baka hindi ko kayanin ang ugali ng Josh na 'yon." Ani naman ni Athena.

"Kailangan muna nating hintayin ang utos ni Stell." Sagot naman ni Mary.

__

Napabuga ng hangin si Josh at isinandal ang likod sa kaniyang swivel chair. Pagod na pagod ito dahil napakadami niyang ginawa. Wala pa rin siyang secretary kaya mahirap din ito para sa kaniya.

"I wish I still have you." Bulong nito sa kaniyang sarili.

Napatingin siya sa pinto ng bumukas ito at iniluwal nito si Stell.

"Boss?" Wika ni Stell.

"Yes?"

"Darating na po bukas ang bago ninyong secretarya." Nakangiting wika ni Stell. Tumango tango naman si Josh na tila walang pakialam.

"May kailangan pa ba akong pirmahan? May schedule pa ba ako today?" Sunod sunod na tanong ni Josh kay Stell.

"Actually wala na. Kung gusto mong umuwi na pwede naman tutal hapon na rin."sagot naman ni Stell.

"Okay." Ani lamang ni Josh at tumayo na. Kinuha nito ang kaniyang blazer sa rack. "May kailangan pa akong bisitahin. Make sure na magaling ang secretary na hinire mo." Ani ni Josh habang sinusuot na ang blazer nito.

"Yes, President." Sagot naman ni Stell bago tuluyang lumabas sa office ni Josh.

Lumabas din si Josh at dumiretso sa parking lot. Agad na pinaharurot ni Josh ang kotse nito nang makasakay siya.

Agad na napapreno si Josh ng makita ang isang babaeng patawid. Mabuti na lamang at hindi ito nasagasaan.

"Hey! Get out! Muntik mo na ako masagasaan." Sigaw ni Athena, yung babaeng muntik ng masagasaan ni Josh.

Inis na lumabas si Josh at hinarap si Athena na kumukulo sa galit.

"Sorry-" Natigilan si Josh sa sasabihin niya nang makita kung sino ang kaharap niya. "H-hindi ko sinasadya Miss. Bakit ka ba kasi tumatawid nang wala pang red light?" Tanong ni Josh.

"Aba't. Aish sira na nga araw ko mas sisirain pa ng mokong na 'to." Bulong ni Athena.

"Here" May inabot na pera si Josh sa kaniya pero tinitigan niya lamang ito. Kaya naman binitawan ni Josh ang pera. "I have to go. Good bye." Huling wika ni Josh at sumakay nang muli sa kotse nito.

Napairap nalang si Athena. "Letse. Siya na nga muntik makasagasa." Pinulot ni Athena yung parang hinulog ni Josh at lumapit sa kotse nito.

Napatingin lang si Josh sa babae habang palapit ito sa kaniya.

"Hindi ko kailangan ng pera mo Mister. Kung sino ka 'man." Ani nito at inilagay sa bubong ng kotse ni Josh ang pera bago tuluyang umalis.

Napairap nalang din si Josh at nag drive na paalis.

____

Kinaumagahan tahimik lang na nagpipirma si Josh nang mga kailangan nitong pirmahan. Napatingin siya sa pinto ng opisina niya nang bumukas ito at iniluwal nito si Stell.

"Oh bakit?" Tanong ni Josh dito.

"Ah president nandito na po ang bago ninyong secretary." Sagot naman ni Stell.

"Well, good ibigay mo sa kaniya lahat nang mga schedule ko, mga kailangan niyang ayusin ibigay mo rin sa kaniya." Ani lamang ni Josh at binalik ang attensyon nito sa mga papeles na nakalahad sa lamesa niya.

"Hindi niyo lang ba siya, titignan at kikilalanin Sir?" Tanong naman ni Stell. Walang emosyong tumingin ulit si Josh sa kaniya.

"Hindi ko naman kailangang kilalanin ang secretary ko, and makikita ko naman siya kahit anong oras. But now I'm busy Mr. Ajero wala akong time makipagkilanlan sa mga bago. Kung magling siya, I really don't care just do her all best hindi sana siya gaya nung mga nakaraan kong secretarya na bobo at tamad." Matigas na sambit ni Josh. Tumango tango lang si Stell bago tuluyang lumabas sa office ni Josh.

Pumunta naman siya sa office niya kung saan nandoon si Athena at naghihintay lang.

"You should go to your table Miss Perez. Nakalagay na doon ang mga kailangan mong asikasuhin at kabisaduhin." Wika nito nang makaupo. Tumango tango lang si Athena sa kaniya.

"Ipapahatid kita sa secretarya ko tutal tabi lang naman kayo ng table. 'Wag ka munang pumasok sa loob ng office ni President Josh dahil marami pa siyang ginagawa." Tumango lang ulit si Athena sa sinabi ni Stell. Pumasok naman ang secretarya ni Stell na si Sofia at sabay na silang lumabas ni Athena sa office ni Stell patungo sa table nito.

"Nako Miss Athena dapat galingan mo. Hindi basta basta si President Josh, marami na siyang nafired na tao at mga nakaraang secretarya niya." Wika ni Sofia kay Athena kaya lalo itong kinabahan. Pero alam niya naman na kaya niya. Hindi siya basta bastang secretarya maraming amo na rin ang dumating sa bahay niya. Gaya lang ni Mary na dati niya ring Amo pero hindi na ngayon. "Ito na po ang pwesto ninyo." Ani ni Sofia bago umupo sa kabilang table na pwesto naman niya. Umupo na rin si Athena sa swivel chair niya at hinarap ang san damakdamak na papeles sa table nito.

Napabuga siya ng hangin.

Kaya mo 'to Athena, may utang na loob ka kay Miss Mary kaya kailangan mong gawin 'to.

His New Secretary [SB19 FF] [JOSH]Where stories live. Discover now