Chapter 4

780 18 0
                                    

One day had passed since the incident. I thought Sir Josh would talk to me after, but turns out he didn't. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari, habang ito ako, hindi mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon. And the only question on my mind is why did he do that?

Tinatawag naman ako ni Sir Josh pero tungkol lang sa trabaho. Ganoon ang ganap namin mula pa kanina. Tatawagin niya lang ako kapag may ipapakuha siyang files o kaya naman may ibibigay siya na tungkol din sa kompanya.

I sighed. Ako lang yata ang masyadong nag-iisip patungkol sa bagay na iyon. I should move forward.

"Hey Athena, Sofia kumain na ba kayo?" I looked at Sir Stell nang ayain niya kami. Nagkatinginan pa muna kami Sofia at narealize ko nalang na lunch na pala at hindi pa kami kumakain.

"Hindi pa nga po Sir eh." Si Sofia na ang sumagot.

"Athena?" Tawag nito sa 'kin kaya nilingon ko siya.

"Sir?"

"You guys should eat. Mahaba-haba pa ang araw, hindi maganda kung magpapagutom kayo." He said in concern. I smiled. Ang bait niya.

Gusto ko na rin sana kumain kaso baka bigla akong tawagin ni Sir Josh at wala ako ditto sa mesa ko.

"Sorry Sir, baka kasi ipatawag ako ni Sir Josh. Kayo nalang po siguro hindi rin naman po ako gutom e." Sagot ko naman. He just nodded but I saw a disappointment in his expression.

"Okay lang. Gusto mo bang dalhan ka namin ng pagkain dito?" Umiling ako.

"I'm okay sir. Kayo nalang po ang kumain. Pakabusog nalang kayo." I smiled for assurance.

Tumango naman siya at inaya na nga si Sofia sa canteen ng kompanya. I sighed. Nagugutom na rin ako pero kailangan ko rin pala tapusin ang pinapagawa ni Sir josh. Isa pa pala 'yon sa dahilan kaya bawal akong pumunta ng canteen.

My eyes widened when I saw a lunch box on my desk. Napatingin ako sa lalaking naglapag nito. It was Sir Josh.

"You should eat. Hindi ka pwedeng magutom lalo pa't madami kang ginagawa." Aniya at wala sa sariling napangiti ako.

"Salamat po."

"Don't be. We have to go somewhere later kaya kailangan mo talagang kumain." I frowned.

"May I ask where, Sir?"

"At the party. May ka-meeting ako ron kaya kailangan mo akong samahan." He said and left.

Party? Then, I should dressed up? Or not?

At dahil hindi ko alam ang sagot sa tanong ko, sinundan ko si Sir Josh sa opisina niya. I knocked before I entered. Bumungad sa'kin ang busy na si Sir Josh. He raised his brow when he saw me.

"Sir? Should I dressed up later?" Napakunot ang noo niya at tinignan ako na para bang ako ang pinakabobong tao sa mundo. Peke akong ngumiti. This is awkward. Ngayon na nga lang pala kami nag-usap nang ganito mula nung mangyari ang kahapon.

"Yeah." Napatingin ako muling sa kaniya nang magsalita siya.

"Po?"

"Do you have a gown? It's a fancy party and I think everyone there is wearing a gown or a fancy dress." He said. Napatango-tango ako.

Mayroon naman akong gown sa apartment na tinitirahan ko.

"If you don't, we have some gowns with our old designs. You can wear any of them." Sabi niya nang hindi ako nakasagot agad.

"No need, Sir. I have a gown naman po, but I have to go home. Is that okay?" Napangalumbaba siya at mukhang nag-isip.

"Yeah, it's fine. Just tell me where your house is and I'll pick you up." I nodded and smiled.

His New Secretary [SB19 FF] [JOSH]Where stories live. Discover now