HR7

58 1 0
                                    

Kriing.. Kriing.. Kriing..

Finally recess na.

Tumayo ako kaagad at umalis sa armchair ko at sa pagmamadali ko, natamaan tuloy ng tuhod ko yung armchair sa unahan ko.

"Shit! Araaay!"

"Ang OA mo naman Alice. Parang natamaan lang ng konti tapos mamatay-matay ka na diyan." Sabi ni Cathy, girl bestfriend ko.

Tinaas ko ng konti yung skirt ko para tingnan yung tuhod ko. May konting gasgas pero sobrang hapdi nito.

"Ano yan? Ba't ka nagasgasan diyan? Ang tanga mo naman Alice, nadapa ka kanina sa kakatakbo mo no?"

Ang dami niyang sinabi ha. Sinabihan pa akong tanga. Kaibigan ko ba talaga to?

"Hindi no. Long story. Tara na nga, gutom na ako."

"Ay hindi. Ikwento mo. Siguro naaksidente ka kanina no? Or maybe may nakalaro ka?"

"Baliw! Seriously nakalaro? Gutom lang yan besh. Tara na nga."

Napailing nalang ako. Hay naku. Magkaibigan nga kami, ang wild lang ng imagination namin.

Palabas na sana kami ng classroom pero tumigil ako sa paglalakad nang makita ko yung lalaki kanina.

"Ba't ka tumigil? Hoy besh!"

Matalim kong tinitigan yung lalaki. Naiinis talaga ako sa kanya. Sarap niyang tirisin.

Nagsmirk siya nang mapadaan siya sa harapan namin.

"Sino yun? Infairness ang gwapo niya tapos nagsmirk pa siya. Omg! Parang gangster." Kilig na kilig na sabi ni Cathy.

"Yun gwapo? Magpacheck-up ka na ng mata mo Cath."

"Hmm. I smell something fishy. May something sa inyu e. Siguro.."

"Whatever. Gutom lang talaga yan."

Hinila ko na siya papuntang canteen. At dun kinwento ko yung nangyari kanina sa gate hanggang nakabalik na kami sa classroom namin.

"Ayee. Destiny at work na yan besh. Baka siya na si PC (Prince Charming)"

"Mandiri ka nga. Hinding-hindi ko yun magugustuhan."

"Huwag magsalita ng tapos. Baka kainin mo yang sinabi mo besh." Nginitian pa niya ako bago siya bumalik sa armchair niya.

Never! Tsk.

Pumasok na yung teacher namin. Tahimik lang kami habang nagche-check siya ng attendance.

"Reyes, Toby"

Napatingin ako sa armchair ni Toby. Nag-absent talaga siya. Sana pumasok siya ngayong hapon.

Hopeless Romantic ver. 2.0Where stories live. Discover now