Malapit ng mag-7:30, ang sabi niya papunta na siya dito. Eh 20 minutes na akong naghihintay dito sa labas pero wala parin siya.
Sinisipa-sipa ko yung mga bato sa paanan ko nang may marinig akong sumabog.
"Hoy tabi!"
Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko kung sino yung sumigaw.
Nasagasaan na sana niya ako kung hindi natumba yung motor niya.
"Shit! Hoy tulungan mo nga ako!"
Natauhan ako sa pagsigaw niya at mabilis ko siyang tinulungan sa pagtayo mula sa pagkakadagan niya sa motor.
"Aray! Papatayin mo ba ako?!" Reklamo niya nang mahawakan ko yung sugat niya.
"Will you shut up! You almost killed me there tapos magrereklamo ka pa ngayong tinutulungan na nga kita."
"Hindi ka namatay diba. Ako na nga 'tong nasugatan oh."
"Anong gusto mo mag-thank you ako? Kung 'di ka lang isang reckless driver edi sana hindi mo ako muntikan na mapatay at hindi ka nasugatan ngayon."
"Edi sorry. Happy? Tsk."
Binitiwan ko siya at pumasok ako sa gate ng bahay namin. Bahala siya dun sa labas. Bwisit!
"Oh Alice bakit hindi ka pa pumapasok? Hindi ka ba nasabihan ni Lindy na tumawag si Toby?" Sabi ni Nanay Linda, kasambahay namin. Si Lindy yung anak niya na Grade 3 pa.
"Hindi po pero okay lang po dahil mag-aabsent po ako ngayon. Ano po bang sabi?"
"Hindi ka raw niya masusundo dahil pupuntahan pa raw niya si.."
"Denisse." Bulong ko.
"Oo Denisse nga. Kilala mo ba yun? Himala naman at hindi ka nasundo ni Toby ngayon."
"Opo. Girlfriend niya po yun."
"Nobya niya? Akala ko may gusto sa'yo yun. Si Lindy kasi sinasabi niyang gusto ka raw ni Toby."
"Ah hindi po. Magbestfriends lang po kami ni Toby."
Ding dong. Ding dong.
"Ganun ba? Sige iha maiwan muna kita, titingnan ko lang kung sino yung tao sa labas."
"Sige po nay."
Pumasok ako sa kwarto ko at habang nagbibihis ng pambahay ay iniisip ko na baka may lakad sila Toby at Denisse ngayon.
Natigil ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto.
"Alice may bisita ka."
"Sino po?"
"Si Andrei. Kaibigan mo raw siya."
Who the heck is Andrei?
"Okay po."
Lumabas na'ko ng kwarto at pumunta agad sa sala. Nagtagpo ang tingin namin nang inangat niya ang ulo niya mula sa pagtingin niya sa sugat niya sa tuhod.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong sabi.
"I'm sorry. Hindi ko naman sinadya na ma-flat yung gulong ng motor ko. Sorry na please."
Kaya niya palang magsorry. Akala ko hindi eh. Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon sa gate ng school namin. Akala ko paninindigan niya ang pagiging mayabang niya.
"Okay. Apology accepted." Tinalikuran ko agad siya pagkasabi ko nun.
"Wait!"
"Ano?"
"Pwede mo ba akong samahan? Hindi kasi ako makakauwi ng maayos dahil dito sa mga sugat ko."
"Obviously hindi pwede. Nakaya mo ngang maglakad papasok dito so makakaya mo ring pumunta sa inyo. I'm sure naman na malapit lang yung bahay mo dito."
"Oo pero masakit kasi talaga eh. Pero kung 'di pwede, pwede bang pagamit ng first aid kit niyo?"
Nawala ang matalim na tingin ko sa kanya. Nakaramdam naman ako ng konsensya nang tiningnan ko ang mga galos at sugat niya.
"May pangalan ka naman siguro no?"
"Kung nagdududa ka kung masamang tao ako, hindi po miss. At Andrei Perez ang pangalan ko. Gusto ko lang hiramin ang first aid kit niyo, yun lang po miss tapos aalis narin agad ako pagkatapos kong magamot 'tong mga sugat ko"
"Fine." Sabi ko at bigla naman siyang tumayo.
"Ahh pwede rin bang maki-CR?" Tanong niya.
"Ano kasi, ahh lilinisin ko muna yung mga sugat ko bago ko gamutin"
"Fine." Sabi ko ulit at pumunta patungong banyo.
Nakasunod siya sa akin. Napansin ko namang hirap na hirap siyang maglakad. Kainis! Why do I feel so guilty right now?
Nakahinga ako ng maayos nang makita ko ang pinto ng cr namin.
"There's the cr. Kukunin ko lang yung kit"
"Okay. Salamat miss"
Pumunta na siya patungong cr at pumunta naman ako sa may kusina.
Sinilip ko siya mula sa pinagtataguan ko. Actually nasa aparador ang first aid kit na katabi ng pinto ng cr namin.
Nang makita kong sinarado na niya yung pinto tsaka pa'ko lumabas.
"Shit! Shit! Shit!"
Rinig ko galing sa loob ng cr. Masakit nga siguro yung mga sugat niya.
Nagulat naman ako sa biglang pagbukas ng pinto.
"Ahh e ah"
"Okay ka lang miss? Hinihintay mo ba ako?" Tanong niya.
"What? Of course not! Ahh kasi, ano kasi i-ibibigay ko lang itong towel at kit"
Kinuha ko naman agad yung kit at kumuha narin ako ng towel. Nangininig pa yung mga kamay ko habang inaabot sa kanya yun. I'm really not good at lying.
"Ahh. Thank you. Mabait ka naman pala miss eh" Nakangiting sabi niya at pagkatapos ay umalis narin siya agad dun.
Loko yun ah. Mabait naman talaga ako eh.