HR2

157 3 0
                                    

Tiningnan ko yung profile ng author nung story.

Name: pathetic

Location: bestfriendzoned

Tiningnan ko yung works niya at yung Lucky lang ang nakita ko. 8 months pa siya sa Wattpad pero ang dami na niyang followers. His story must be good. And yes he's a guy.

Sabi kasi dito,

I'm pathetic. I fell in love with my bestfriend. I don't how to stop my feelings for her and I certainly shouldn't tell her. But I want to and that's why I write Lucky which is made out of my dreams and love to her. And I hope this story will reach her.

So gay. Siguro gawa-gawa lang niya 'to para may maawa tapos babasahin yung story niya.

Fuck curiousity! Ba't ko pa ba inopen 'to kung ayaw ko nga sa story?! Maka-log out na nga.

I texted Toby.

Nasan ka?

After 2 minutes nakapag-reply na agad siya.

House. Why?

Nag-reply rin agad ako.

Wala lang. Pupunta ako diyan.

Bago ako lumabas ng bahay ay binasa ko muna yung reply niya.

Okay. Mag-ingat ka.

Pagkapasok ko pa lang sa bahay nila ay sinalubong ako kaagad ng ate niya.

"Hi sis."

"Hi Ate Teffi."

"May lakad kayo?"

"Wala naman po. Napagala lang po ako. Hahaha."

Napatawa din si ate.

"Oh haha okay. He's in his room. Aalis muna ako."

"Okay po. Ingat ka po."

"Thank you. Bye."

Nang makaalis na si Ate Teffi ay pumanhik agad ako sa taas at dumiretso sa kwarto niya.

Nakita ko siyang may sinusulat sa gitara niya at nang makita niya ako ay linagay niya agad sa gilid yun.

"Ano yung sinulat mo dun?"

"Wala." Malamig niyang sabi. At pagkatapos ay kinuha niya yung gitara at inilagay niya yun sa cabinet niya na automatic nala-lock.

'Di ko pa nakita minsan ang laman ng cabinet na yun. Baka boy's stuff, I don't know. He never let me see what's inside that cabinet. Isang beses ko lang din natanong ang about dun at nag-away kami kaya pinabayaan ko nalang.

'Di ko naman kasi kailangang malaman. Naisip ko rin na may mga bagay sa akin na 'di rin niya kailangan malaman. He's a guy and I'm a girl after all. We're bestfriends but there are boundaries, of course.

"Ba't ka pumunta dito?" Tanong niya.

"Bawal na ba ako pumunta dito?"

"I'm just asking. I mean, wala ka bang ibang lakad?"

"Wala. Wala rin akong magawa sa bahay."

"Ano namang gagawin mo dito?"

"May dala akong mga glow in the dark."

"Glow in the dark?"

"Yup. Halika idikit natin sa ceiling ng kwarto mo."

Umupo ako sa kama niya at inilabas ko sa paperbag yung mga glow in the dark na dala ko.

May babae at lalaki na magkadikit ang mga thumb nila. Napangiti naman ako dun.

"Stop smiling." Biglang sabi ni Toby pagkaupo niya sa tapat ko. I rolled my eyes at him.

"Naalala ko kasi yung araw na naging magkaibigan tayo. You're the one who taught me this thumb thingy."

"Yeah. I remember that day. Napakaiyakin mo nga eh."

"Eh kasi inaaway ako nung ibang mga bata. Buti nalang dumating ka."

"I did not. Nasa tabi lang ako nun tapos naingayan ako sa 'yo kaya lumapit ako para umalis na yung ibang mga bata at tumigil kana sa kaiiyak."

Tiningnan ko siya pagkasabi niya nun at napatingin rin siya sa akin.

Binalik ko ang tingin ko sa mga glow in the dark tapos nagkasabay kami sa pagkuha nung babae at lalaking sticker.

Dugdug.

What was that?

"A-ang sama mo." Nasabi ko pagkatapos kong nailayo yung kamay ko.

Hopeless Romantic ver. 2.0Where stories live. Discover now