"Turn off the lights." Utos ko sa kanya pagkatapos niyang maidikit yung mga glow in the dark. Sinara ko rin yung mga bintana.
Dumilim na yung kwarto niya. Medyo maliwanag ng konti pero sakto lang na makita namin ang glow nung mga stickers.
Ang ganda. Humiga ako sa kama niya para maayos ko silang pagmasdan.
Ang ganda talaga. Unconciously, dahan-dahan kong pinikit yung mga mata ko. And then I saw two people, a girl and a boy. Hindi na magkadikit ang thumb nila, they've intertwined all of their fingers. Tapos nakahiga sila sa damuhan at masayang pinagmamasdan ang mga stars sa langit kagaya nung mga idinikit namin. Tapos tumingin yung babae sa lalaki. 'Di ko marecognize yung lalaki pero napangiti ako katulad nung babae. 'Di rin klaro ang mukha ng babae.
"Alice? Alice?" Dinilat ko bigla yung mga mata ko.
"Toby?"
"Are you daydreaming again?" Tanong niya. Yeah he knows.
"Yes. There were two people. Like those glow in the dark." Tinuro ko yung nasa ceiling.
"Oh. Is that why you're smiling?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Yes. I can't help it. Kinikilig nga ako eh." Sagot ko.
"That's ridiculous. You're ridiculous. And weird."
"Oh shut up! It's magical. At alam mo naman noon pa na ganito ako diba. Kaya nga bestfriends tayo eh."
He smirk.
"Para mo narin sinabing weird din ako."
Tumawa kaming dalawa.
"Hahaha. Wala akong sinasabi ha."
Tumigil siya sa pagtawa at tiningnan niya ako.
"It's not magical Alice."
Nawala yung ngiti sa labi ko. Minsan talaga nagiging seryoso siya bigla.
"You'll know it's magical when it happens to you in reality."