HR14

28 0 0
                                    

"Pumunta ako sa bahay niyo kanina para sabay tayong pumasok sa school kaso nakaalis ka na." Sabi ni Toby habang naglalakad kami sa pathwalk.

"Oo eh. Akala ko kasi hindi mo ako pupuntahan sa bahay kaya pumasok nalang ako." Yumuko ako pagkatapos ko yung sabihin.

Inakbayan naman ako bigla ni Toby.

Dugdug. Dugdug.

Osht!

"I also called you pero 'di kita ma-contact. Nakapatay yata yung phone mo."

"Ha-a? Wait tingnan ko lang."

Tinanggal niya yung kamay niya sa balikat ko at hinaluglog ko naman yung bag ko.

"Nakapatay nga. 'Di ko pa pala na-charge. Na-dead batt siguro dahil laro ako ng laro kahapon sa phone ko." Sabi ko.

"That's new. Hindi mo naman hilig maglaro sa phone ah. Baka naman sa kakabasa mo sa wattpad." Nagpakita siya ng isang pilyong ngiti sa akin.

"Bored na bored kasi ako kahapon eh. Wala naman akong nakitang magandang story kaya nagdownload nalang ako ng mga games."

"Ba't ka naman na-bored kahapon? Marami bang subjects na walang teachers na pumasok? Nag-absent kasi ako kahapon kaya hindi ko alam."

"Absent din ako kahapon eh."

"Bakit?"

Dahil sobrang late na ako dahil hinintay kita? Or dahil sa nangyari sa'min ni Andrei?

"Eh kasi ma...sama yung pakiramdam ko."

"Bakit anong masakit sa'yo?" Pagkasabi nun ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko na ikinagulat ko na naman. Ilang ulit ba ako magugulat sa mga kinikilos niya? Or sadyang OA lang ako?

"Ha-a? W-wala naman. Okay na 'ko, tara na nga sa classroom."

Tumalikod agad ako at naglakad. Ramdam ko na naman ang mainit kong pisngi tapos namamawis narin yung mga kamay ko, kanina pa kasi 'to nanlalamig sa parking area pa lang. May sakit nga siguro ako.

Hinawakan ni Toby ang kamay ko dahilan para tumigil ako sa paglalakad.

"Sigurado ka na okay ka lang? Ang lamig ng kamay mo oh." Sabi niya.

"Toby okay lang talaga ako." Seryoso kong sabi sa kanya habang hindi kinukurap ang mga pilikmata. Lumapit naman siya sa akin.

"I don't think so. Kilalang-kilala kita Alice. And I still feel guilty for the fear I caused you. Hindi ko alam kung kaya ko bang ialis sa'yo ang takot na yun. I'm very sorry Alice."

Kitang-kita ko sa mga mata ni Toby ang pag-aalala. This is the first time I've seen him this serious. Oo seryosong tao si Toby. Laging tahimik at iisipin mong palaging malalalim ang iniisip niya.

Pero ang ganitong klase ng pagseseryoso, ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Ang mga malalim niyang mga mata na sa 'kin lang naka-focus. Heto pa't kalahati lang yata ng ruler ang distansya ng mga mukha namin. Mula sa mga mata niya ay bumaba ang tingin ko hanggang sa naka-half closed na bibig niya. Iba't ibang kwento ang pumasok sa isip ko pero iisang scene lang naiisip ko, yung scene na unti-unting lalapit ang mukha ng lalaki sa babae at unti-unti ring ipipikit ng babae ang kanyang mga mata.

"Toby!!"

Napalingon kami pareho sa babaeng tumawag ng pangalan niya. Inalis ni Toby ang mga kamay niya sa pisngi ko at bahagya naman akong lumayo ng konti sa kanya.

"Denisse ba't ka nandito?" Tanong ni Toby kay Denisse. Spell awkward, gosh!

"Ihahatid ko lang 'to. Nakita ko yan sa bahay, naiwan mo yata kahapon." Ngumiti si Denisse pero halatang pilit lang. May binigay naman siya na notebook na ikinagulat ni Toby.

"Deni--" Sabi ni Toby pero pinutol yun ni Denisse.

"Oh hi Alice." Kumaway siya sa'kin at ngumiti. Ang hirap i-spell ng awkwardness ngayon.

"Hello Ate Den--"

"Hahaha, 'wag ka mag-ate. Girlfriend naman ako ni Toby eh." Ngumiti siya at tumingin kay Toby. Ba't naman kasi nag-ate pa'ko. Ugh!

"Ay sorry. Haha. Okay Denisse." Ngumiti naman ako sa kanya.

"Let's have lunch later, shall we? Toby? Alice?"

"Sure." Sabi ko.

"Great! Aalis na ako." Lumapit siya kay Toby at hinalikan ang pisngi.

"Bye!" Kumaway siya sa amin at kumaway din ako sa kanya.

Naunang naglakad si Toby papuntang classroom. Nakasunod naman ako sa kanya at pinagmamasdan ang mga reaksyon ng mga babaeng nalalagpasan namin.

"I just can't take my eyes off him. Grabi ang gwapo niya."

"Sinabi mo pa kaso napakailap niya. 'Di man lang siya tumitingin sa mga tao sa gilid niya."

Narinig ko sa dalawang babaeng nagbubulungan malapit sa classroom namin. Hindi ko naman napansin na tumigil pala sa paglalakad si Toby kaya ayun nabunggo ako sa kanya.

"Sorry." Sabay naming sabi. Ngumiti naman kaming dalawa.

"Isama mo mamaya sa lunch yung lalaking nagligtas sa'yo kanina. Alright?" Ngumiti siya sa akin. Aangal pa sana ako sa sinabi niya pero...

"Atsaka hayaan mo sa susunod, palagi na tayong magsasabay para hindi na kita masasaktan." Pumasok agad siya sa room habang hawak-hawak ang isang kamay ko.

Loading.. Loading.. Anong sinabi niya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hopeless Romantic ver. 2.0Where stories live. Discover now