Tinamaan ako sa sinabi niya. He's right as always. Alam ko namang napaka-pathetic kong tao para sabihing magical ang ma-in love ni hindi ko pa nga ito naranasan. Tsk.
Hindi ako insecure. Pero hindi ko rin alam kung bakit ganito ako. Ayoko rin munang magka-boyfriend. Pero interesado ako sa idea ng love. Maybe my heart's waiting for someone. Baka nga.
Umangkas ako sa motor ni Toby. Ihahatid niya ako sa amin kahit ayaw niya.
"Sungit." Bulong ko nang pinaandar na niya ang motor.
"Sungit pala ha." Sabi niya tapos binilisan niya ang pagdadrive.
"Toby!!!" Tili ko. Muntikan pa akong mahulog sa ginawa niya buti nalang yumakap agad ako sa kanya.
"Shit!" Sabi niya tapos binagalan niya ang takbo nung motor at nagbrake rin agad.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya nang maramdaman kong haharap siya sa akin.
"Bak--"
"Okay ka lang? Nagulat ba kita? O natakot? I'm sorry." Putol niya sa akin. Nakahawak yung mga kamay niya sa mga pisngi ko. I was dumbfounded.
Dugdug. Dugdug.
"H-ha? O-oo okay lang ako." Sagot ko nang kumunot yung noo niya.
"Talaga? Sorry. 'Di ko na yun uulitin."
"'Di o--" Naputol na naman yung sasabihin ko nang bigla niya akong yinakap.
"--kay lang." Patuloy ko habang yinayakap niya ako.
Dugdug. Dugdug.
There's that sound again. It's my heart that beats so fast. Ito yung kanina ko pa nararamdaman at hindi parin nagiging normal hanggang ngayon.
Kinakabahan na ako. Alam ko kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Ilang beses ko na nabasa sa mga stories ang ganung scene katulad kanina.
I shouldn't feel this. Maling-mali. I keep reminding myself that he was just worried that time. Normal lang sa isang bestfriend yun. At dapat itigil ko narin ang pago-over think ko.
Pero paano kung lumalim pa 'to?
"No! That won't happen. I will not let that happen." Biglang sabi ko.
Nakahiga na ako sa kama ko. 'Di talaga mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Naiinis na nga ako sa sarili ko eh. Ito yung ayaw na ayaw ko sa pagiging hopeless romantic.
Pinikit ko na yung mga mata ko. Pero bago ako tuluyang nakatulog ay may story na nabuo sa isipan ko.
A story about a girl who fell for her guy bestfriend. It was tragic. I ended it with a broken heart and a broken friendship.
Ayokong mangyari yun sa totoong buhay. Ayokong masaktan. Ayokong masira ang friendship namin. Ayoko siyang mawala sa mundo ko dahil hindi ko kakayanin.