HR1

189 4 0
                                    

"Ano?! Almost 10,000 reads? 5,000 votes? At lagpas 500 comments bawat chapter? Unbelievable. Ang PANGIT kaya ng story na 'to. Argh! Nakakainis!"

Sigaw ko sa harap ng screen ng laptop ko. Sa sobrang inis ko ay sumakit na yung ibabang labi ko sa kakakagat ko nun. Naiinis ako dahil may bumabasa ng story na yun. Lucky ang title, it was inspired by the song itself. Yung kanta tungkol sa mag-bestfriend na sobrang nasuswertehan dahil na-in love sila sa isa't isa. Tsk! I so hate its lyrics lalo na yung sa chorus. I would harshly turn off anything that plays that song.

Obviously, I hate the story because of its title which was named after that song. 'Di ko minsan binasa ni isang chapter man lang kahit mabaliw-baliw na sa kilig yung mga classmates ko kapag nagkwekwento nun. Actually may kung ano ang tumutulak sa akin na basahin yun pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nagpipigil ako dahil baka saan mapunta yung pagbabasa ko.

I'm Alice. Gustong-gusto ko yung pangalan ko dahil kapangalan ko yung bida sa Alice in Wonderland. Sounds childish for a 16 year old girl. Favourite ko ang Alice in Wonderland. Sobrang magical kasi sa wonderland like the place I used to imagine whenever I daydream.

Yup I'm a daydreamer. A crazy one. I daydream most of the time. Sobrang nadala siguro ako sa mga stories na binabasa ko kaya naging hopeless romantic ako at naging habit ko ang pagdi-daydream.

Ako na siguro ang pinakamalalang hopeless romantic. Maybe I have a brain disorder because everytime and everywhere I am, I suddenly close my eyes and daydream. Pero syempre I never forgot the limitations and the people I imagined were blurry.

I imagine love stories that have happy endings. Perfect love stories which we all dreamed for. I'm a story maker. I admire fiction. I deal with fantasies. I believe that every small happenings could end to happily ever after. Coincidence is not in my vocabulary, only fate, destiny and soulmates.

Wala akong boyfriend. May mga manliligaw ako pero wala akong balak na sagutin ang isa sa kanila. I made it clear to them. Wala rin akong ibang gusto. Nagkaka-crush ako pero nawawala rin agad ang paghanga ko sa kanila. I don't know why I'm like this though it's kinda weird para sa isang taong tulad ko na ang tanging nasa isip ay love.

Marami akong mga kaibigang lalaki. Actually my bestfriend is a guy, si Toby.

Hopeless Romantic ver. 2.0Where stories live. Discover now