Umuwi akong mag-isa.
Pumasok agad ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain ng hapunan.
Umupo ako sa study table at sinimulan ang pagsagot sa mga assignments.
Pagbasa palang sa mga questions, inaantok na agad ako. Napansin ko ang gitara ko sa gilid nitong study table. Gift ni Toby sakin 'to last christmas.
Kinuha ko yung gitara na medyo naaalikabukan na. Minsan ko lang kasi 'to ginagamit dahil hindi ako masyadong marunong. Parehong music lover kami ni Toby pero madalas ako ang kumakanta tapos siya ang tumutugtog.
I kinda miss those times. Nang matanggap ko 'tong gitara, tinuruan agad ako ni Toby sa paggamit nito.
Halos araw-araw siya na nandito sa bahay namin. Kasama rin namin siya sa pag-celebrate ng new year.
But after that day minsan nalang siya nakakapunta dito sa'min. Hindi narin kami madalas nagkakasama sa school pero palaging sabay naman kami sa pagpasok. Simula rin nun minsan nalang kami nagkakasabay sa pag-uwi.
Then nang mag-February, naging sila ni Denisse. Siguro yung mga time na hindi ko siya nakakasama ay si Denisse ang kasama niya. He maybe courting her at those times. Wala kasi siyang sinasabi sa'kin. Sa mga classmates ko lang din nalaman na sila na.
4th year si Denisse nun tapos 3rd year kami ni Toby. Sikat si Denisse sa school namin. Seems like she has it all, maganda, mayaman at matalino. Hindi ko alam kung mabait siya dahil hindi naman kami pinakilala ni Toby sa isa't isa. Hindi rin siya nagkwekwento about kay Denisse. Ang weird nga eh pero naisip ko na baka dahil first girlfriend niya si Denisse at naisip niyang hindi naman mahalaga kung maging magkaibigan kami ni Denisse.
Ewan ko kay Toby, kasabay nung bagong taon ang biglang pagbago niya. Naging misteryoso, tahimik at parang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.
Hindi na kami madalas nagkakasama at nagkakausap hindi tulad nung dati. Ngayon kasi ang lapit niya sa'kin pero parang malayo parin.
Nagstrum ako strings ng gitara.
I can be tough
I can be strong
But with you, it's not like that at allThere's a girl
That gives a shit
Behind this wall
You've just walked through itAnd I remember, all those crazy things you said
You left them running through my head
You're always there, you're everywhere
But right now I wish you were hereAll those crazy things we did
Didn't think about it, just went with it
You're always there, you're everywhere
But right now I wish you were hereDamn, damn, damn,
What I'd do to have you
Here, here, here
I wish you were here