HR13

24 1 0
                                    

Maaga akong gumising kinabukasan. Naligo agad ako at kumain ng breakfast. 6:50 a.m. pa nang lumabas ako ng bahay para pumasok sa school. Dala ni mommy at daddy yung mga sasakyan namin sa team building ng company namin kaya hindi ako mahahatid ni Tatay Lino, family driver namin at asawa ni Nanay Linda.

Para akong bata sa mga kinikilos ko ngayon. Ewan ko ba para kasing may magandang mangyayari kaya jolly ako ngayon.

Dala ko ang bicycle ko pagkalabas ko ng gate. Umupo ako nagsimulang magpedal. Buti nalang palagi 'tong nalilinisan kahit hindi na madalas nagagamit.

Nung 3rd year kasi ako, hinahatid na'ko sa school ni Toby gamit ang sasakyan niya. Nagtaka nga ako kung bakit allowed siyang gumamit ng sasakyan kahit minor pa siya.

Umiling-iling ako sa mga iniisip ko. Ayoko munang isipin si Toby ngayon kasi malamang busy na naman yun kay Denisse at hindi na naman niya ako masasabayan sa pagpasok. Ganun naman talaga eh, bestfriend lang kasi ako.

Nagbrake ako at tumabi muna para ayusin yung helmet ko. May pailing-iling pa kasi ako ng ulo kanina.

"Hoy miss!"

Beep.. Beep..

Agad akong tumayo at hinila ang bike paalis sa kalsada.

"O anong nangyayari sa'yo?"

Nakita ko si Andrei na nakamotor at papuntang gilid ng kalsada kung saan ko itinabi ang bike kanina.

"Nananadya ka ba?" Galit na sabi ko sa kanya.

"Ha? Tinatanong ko lang naman kung anong nangyayari sa'yo. Para ka kasing praning."

"Sino naman kasi ang hindi maprapraning kung ang approach mo sa'kin ngayon ay parang yung nangyari kahapon. I almost died yesterday because of you, remember?" Galit na galit na talaga ako. Shit na-trauma yata ako eh.

Tumayo siya at umalis sa motor niya. He closed the gap between us at niyakap niya ako.

Tinangka kong kumalas sa yakap niya pero mas hinigpitan pa niya yun.

"I'm sorry Alice. Promise hindi ko talaga sinadya yun. Please sabihin mo sa akin kung pa'no mo ako mapapatawad at gagawin ko ang ano mang sabihin o ipagawa mo."

Binitawan na niya ako pero sobrang lapit parin niya sa akin. Mas maprapraning pa yata ako neto ng husto eh.

"Miss?" Pabulong niyang sabi. Tumingala ako kaya nagtagpo ang mga mata namin.

"First, dumistansya ka sa akin." I managed to say. Akala ko na-pepe na'ko.

Lumayo siya hanggang sa motor niya.

Sumakay agad ako sa bike ko at umalis agad dun. Maya't maya ay nagtabi na ang bike ko at motor niya sa iisang lane.

"'Di ba sabi ko dumistansya ka." Sigaw ko sa kanya.

"Dumadami na ang sasakyan. Mas mabuting ako ang kasabay mo para mas ligtas ka." Sigaw niya pabalik.

"Nagpapatawa ka ba? Mas madali akong mamamatay kapag mas malapit ka sa'kin."

Pagkasabi ko nun ay linakihan niya ang distansya sa pagitan namin pero halos naman nasa kabilang lane na siya. Damn this guy!

"Stop it! Hindi ko sinabing magpapakamatay ka. I said keep distance from me. Either mauna ka or dun ka sa likuran ko, stupid! At pangalawa sa list, huwag kang pilosopo."

Binilisan ko ang pagpepedal kaya 'di nagtagal ay narating ko agad ang school.

Pagkatapos ko malagyan ng lock ang bike ko ay lumapit si Andrei sa akin.

"Ako na ang magdadala ng bag mo." Sabi niya. It was a statement not a question.

"Anong tingin mo sa akin lampa? Kaya kong dalhin 'to at huwag ka ngang ganyan dahil hindi bagay sa'yo."

Binilisan ko ang lakad ko papuntang pathwalk.

BEEP!!

Ano bang meron sa'kin at lapitin ako ngayon ng disgrasya?

Hindi ko napansin ang paparating na kotse pero buti nalang hinila agad ako ni Andrei.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko kung dahil sa pagyakap ni Andrei sa'kin o dahil muntikan na akong nasagasaan. But I prefer the latter, definitely the latter.

Bumitiw sa yakap si Andrei at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Ang lapit na naman niya.

"Ok ka lang?"

"Yeah. Thanks." Agad kong inayos ang sarili ko at pagtalikod ko ay nakita ko si Toby na inaabot ang bag ko sa akin.

Pero bago ko pa nakuha yung bag ko ay hinila niya agad ako at niyakap.

"I'm sorry Alice. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung nasagasaan kita kanina. I'm sorry. Sorry Alice."

"Ok lang Toby. I'm ok now so stop worrying. Hindi mo naman ako nasagasaan diba. Tingnan mo ok lang ako."

Kumalas ako sa yakap niya at umikot para ipakitang ok lang ako.

Ginulo niya ang buhok ko at bumaling kay Andrei.

"Salamat bro ha. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kung hindi mo naligtas si Alice."

Tiningnan lang ako ni Andrei at nginitian ko naman siya. Siguro naman naiintindihan niyang pinatawad ko na siya dahil linigtas niya ako kanina.

"Salamat talaga." Muling sabi ni Toby at tinapik muna niya ang balikat ni Andrei bago niya ako niyayang pumunta ng classroom.

Hopeless Romantic ver. 2.0Where stories live. Discover now