006

150 9 7
                                    

Third person POV

March 18 7:00PM

"Hayst hirap mag memorize ng terms!!" Reklamo ni Yuna. Binibaba nya muna ang hawak nya na libro at humiga sa kama.

Napailing nalang si Ryujin at Lia na busy pa rin sa pagbabasa ng libro.

"Kain ba muna tayo dinner?" Napatingin si Lia sa orasan at napansin na 7:00pm na pala. Hindi niya kasi namalayan ang paglipas ng oras dahil sa pagaaral.

Binaba muna ni Lia ang binabasa nya at hinatak si Ryujin palabas ng kwarto.

"Bakit?!" Naiiritang sabi ni Ryujin na hawak pa rin ang librong binabasa niya.

"Kain na muna tayo, mamaya na ulit yan." Kinuha ni Lia ang libro na hawak ni ryu at tuluyan na syang hinila palabas.

Tahimik lang na kumakain ang tatlo, wala kasi ang mga magulang ni Lia dahil nasa business trip ito.

"Ngayon lang yata tayo tumahimik." Birong sabi ni Yuna habang patuloy pa rin na kumakain.

"Gutom kasi tayo kaya ganon, lalo ka na" Pabulong na biro ni Ryujin kay Yuna.

"Aray!" Napasigaw nalang si Ryu dahil sinipa sya ni Yuna sa ilalim ng mesa. Napailing nalang si Lia dahil alam nya na magkakagulo na naman ang dalawa.

"Are you done?" Umirap si Lia sabay tanong sa dalawa.

"Oo tapos na kami"

"Oh! Sinong maghuhugas ng plato?!" Tanong ni Yuna sa dalawa.

"Bato bato pick!" Biglang sigaw ni Ryujin, mabuti nalang at narinig agad ng dalawa ito.

"AHHH TALO AKOO!!" Sigaw ni Lia. Tumalon talon naman si Yuna at Ryu at tumakbo paakyat sa kwarto.

---

𝘖𝘩 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨, 𝘧𝘰𝘳𝘵𝘶𝘯𝘦 𝘤𝘰𝘰𝘬𝘪𝘦
𝘒𝘪𝘯𝘢𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪, 𝘰𝘩
𝘏𝘦𝘺, 𝘩𝘦𝘺, 𝘩𝘦𝘺, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘸𝘦𝘳𝘵𝘦
𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘮𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘶𝘮𝘪𝘵𝘪

𝘏𝘶𝘨𝘪𝘴-𝘱𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳𝘵𝘶𝘯𝘦 𝘤𝘰𝘰𝘬𝘪𝘦
𝘗𝘢𝘨𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘨𝘶𝘮𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴 𝘮—

"HOY ANO TOH!" Malakas na sigaw ni Yuna. Napatigil naman si Lia sa pagsayaw at pagkanta habang naghuhugas ng plato.

"Pake mo ba?! Get out!" Sigaw nito at tinuloy ang pagkanta.

"Sige sige na! Aalis na pala ako malapit naman na mag 8. Bye bye!" Paalam ni Yuna.

"Sige sige ingat ka!" Kumaway ito kay Yuna na kakalabas lang sa pinto.

Maagang umuwi si Yuna pero si Ryujin ay nasa bahay pa rin ni Lia. Pinilit nya kasi tapusin aralin ang iisang libro kaya sya ginabi dito.

"Bakit ayaw mo dito matulog?" Tanong ni Lia kay Ryujin. Hindi kasi okay sa kanya na umuwi si Ryujin ng ganitong oras. Masyado kasing delikado.

"Ayoko eh. Tsaka kaya ko naman magcommute, 10 palang oh." Turo ni Ryu sa relo nya. Wala namang nagawa si Lia kung hindi pumayag nalang.

"Sige sige ingat ka Ryujin." Sabi ni Lia kay Ryujin at inihatid ito palabas ng gate.

A/n: Yung kinakanta pala ni Lia ay Pagibig Fortune Cookie by MNL48! LSS kasi ako HAHAHAHA try nyo pakinggan!

The White Van | Ryuryeong {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon