033

91 7 9
                                    

Third Person Pov

"Hello everyone! My name is Hwang Yeji and nice to meet you!" Masiglang bati ni Yeji sa klase niya.

Si Yeji kasi ay bagong transferee dito sa school nila. One week na siyang absent dahil sa personal reasons kaya ngayon lang siya nakapasok.

Pumalakpak naman si Joy, Yeri at Chaeryeong pagkatapos ng introduction ni Yeji. Umupo na rin ito sa upuan niya at tumingin kay Chaer. Sinenyasan naman siya ni Chae ng thumbs up bilang sign na maayos ang introduction niya.

Nakita rin naman yon ni Ryujin lahat kaya napairap nalang siya. Pero somehow naisip niya parang familiar ang bagong transferee na si Yeji at bigla nalang niya naalala na isa pala si Yeji sa mga kasama ni Chae dun sa van.

Bumalik na si Ryujin sa ginagawa niya nang may bigla siyang narinig na katok mula sa table niya.

"Miss Ryujin! Excuse me?" Mahinang bulong ni Chaeryeong kay Ryu na busy sa ginagawa niya.

"Oh daan ka na." Walang ganang sagot ni Ryu.

"Anong daan?"

"Sabi mo excuse me diba? Oh dumaan ka." Mataray na sagot ni Ryu.

Napakamot nalang tuloy si Chaeryeong sa batok niya dahil moody na naman si Ryujin. Hindi niya talaga alam minsan kung bakit laging mataas yung dugo ni Ryu pagdating sa kanya.

Napangisi naman si Ryu dahil medyo napahiya niya si Chaeryeong don.

Nang biglang lumingon si Chae ay binalik agad ni Ryu ang poker face na mukha niya. "Ryu, may itatanong ako."

"Pwede bang sumabay si Yeji kumain sa atin mamaya?" Tanong ni Chaeryeong habang nakapout kay Ryu.

"Bakit ka nagpapaalam?"

"Baka magalit ka. Ayoko ng LQ." Sinabayan ito ni Chae nang mahinang tawa.

"LQ?! Bakit naman ako magagalit diba?" Mataray na sagot ni Ryu.

"Moody ka kasi." Bulong ni Chaeryeong at pasimpleng umirap.

"A-anong sabi mo?" Iritang tanong ni Ryu para kasing may narinig siya na bulong galing kay Chae.

"Ah! A-ang sabi ko ang cute mo kasi." Pasimpleng palusot ni Chaer at ngumiti ng bahagya.

"Basta ah! Sasabay na si Yeji sa atin mamaya!" Excited na sabi ni Chaer kay Ryu. Wala namang kibo si Ryu sa sinasabi ni Chae.

The White Van | Ryuryeong {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon