055

104 5 4
                                    

Third Person Pov

"Namumutla ka yata Chaeryeong?" Nagaalalang tanong ni Yeji at nilapitan si Chae.

Mula kasi kaninang umaga hangngang lunch ay matamlay at hindi ganon kaingay si Chaeryeong kahit si Ryujin ay napansin ang inaasta ni Chae.

Hinawakan ni Yeji ang noo ni Chaeryeong pero tinapik ito ni Ryu at hinawakan ang noo ni Chae.

"May lagnat ka." Seryosong sabi ni Ryujin at kita sa mata niya ang pagaalala.

"Hindi ah! O-okay lang ako." Pagdeny ni Chaeryeong. Tinanggal niya ang kamay ni Ryujin sa noo niya.

"Alam mo maghalf day ka na." Nagaalalang sabi ni Joy at hinila na si Chaeryeong papunta sa clinic.

"Ayoko! Walang kasama si Ryujin mamaya!" Pagpupumilit ni Chae at tinanggal ang kamay ni Joy.

Nang lumingon si Chae ay nakita niya na nakaharang si Ryujin at seryoso ang mukha.

"Mag half day ka." Seryosong sabi ni Ryu at hinila na si Chaeryeong papuntang clinic.

Napabugtong hininga nalang si Chae dahil wala naman siyang palag kay Ryujin. Nang makarating sila sa clinic ay pinayagan naman si Chae maghalf day kaya mauuna na siya umuwi.

Ihahatid ni Ryu si Chaeryeong sa gate dahil hindi pa naman tapos ang break nila.

"Sigurado ka ba na kaya mo magisa mamaya?" Biglang tanong ni Chae habang naglalakad silang dalawa.

"Hindi ako magisa kasama ko sila Lia." Sagot ni Ryujin.

"Ikaw magisa ka yata sa bahay nyo? Kaya mo ba?" Nagaalalang tanong ni Ryujin at tiningnan si Chae.

"Oo! Okay lang ako don, wag kang magaalala independent ako." Kalmadong sagot ni Chaeryeong at ngumiti kay Ryujin.

Hindi pa rin nawala ang pagaalala ni Ryujin kahit na sinabi ni Chae na okay siya mag isa. Kahit naman na gusto niyang samahan ito ay hindi pwede dahil may klase siya.

"Una na ako. Magpapagaling agad ako para sa'yo Ryu!" Sigaw ni Chaeryeong tsaka lumabas ng gate.

"Magpagaling ka." Ryujin mouthed at tsaka kumaway kay Chae.

The White Van | Ryuryeong {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon