045

82 6 2
                                    

Third Person Pov

Mabilis na naglalakad ngayon si Yuna at Chaeryeong. Late na kasi sila ng 10 minutes sa klase nila kaya kailangan na nilang magmadali.

Dahan dahan namang pumasok sa loob ng room si Yuna at Chaeryeong mabuti nalang at wala ang prof nila sa room at may kinuha sa faculty.

Pumunta na agad sila Yuna at Chaeryeong sa kanilang kanya kanyang upuan at nilabas ang libro para sa klase.

"Ryujin, anong page nga ulit yung huli nating natapos?" Biglang tanong ni Chaeryeong kay Ryu.

"Page 55."

"Sige sige, thank you." Agad naman binuklat ni Chae ang libro niya at pumunta sa page 55 sakto rin na dumating na ang prof nila na galing sa faculty.

---

"Bakit nga kayo late kanina?" Tanong ni Lia. Naglalakad na kasi sila ngayon papunta sa next class nila.

Bigla namang kinabahan si Yuna dahil nararamdaman niya na masesermonan siya ni Lia ng wala sa oras.

"Traffic lang." Simpleng sagot ni Yuna habang iniiwasan tumingin kay Lia.

Siniko naman siya ni Chaeryeong. "Anong traffic! Kung hindi ka sana bumili ng pagkain at coke hindi tayo magiging late!" Reklamo ni Chaeryeong.

"Hehehe, sorry na Chaeryeong." Nahihiyang sabi ni Yuna.

"Oo nga pala Ryu, gumawa na ako ng youtube channel!" Masiglang sabi ni Yuna.

Hindi naman ganon nagulat si Ryu dahil sa sinabi ni Yuna dahil matagal na rin naman nagpapakita sa kanyang vlogs ang kaibigan. Matagal na rin nasabi ni Yuna sa kanya na gusto nito magkaroon ng sariling youtube channel.

"Ah talaga? Good for you! Support kita dyan." Nakangiti na sabi ni Ryujin kay Yuna.

"Ako rin! Support kita." Masayang sabi ni Chae.

Ngumiti lang si Yuna dahil sa mga sinabi ni Ryu at Chae. Alam naman niya kasi na supportive ang mga kaibigan niya kaya thankful siya rito.

"Teka pupunta lang ako sa restroom." Biglang paalam ni Lia.

Bigla naman sinenyasan ni Chae si Yuna na sumama ito kay Lia dahil may balak sabihin si Chaeryeong kay Ryujin.

"S-sama na rin ako!" Biglang sabi ni Yuna.

"Pero maiiwan si Ryujin dito, kaya mo ba Ryu?" Nagaalalang tanong ni Lia. Iniisip niya kasi na baka maging uncomfortable si Ryu maiwan ng kasama lang si Chaeryeong.

"K-kaya ko na." Ryujin said with a reassured smile.

Hinila na ni Yuna si Lia at umalis na papunta sa restroom.

Ngayong dalawa nalang silang naiwan ay pwede nang sabihin ni Chaeryeong ang gusto niya kay Ryu.

"Ryujin... A-ano kasi can you give me one minute of your time?" Medyo nahihiyang taning ni Chae habang nagiiwas tingin kay Ryu.

The White Van | Ryuryeong {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon