018

97 6 11
                                    

Third Person Pov

Habang pauwi, tahimik lang ang lahat sa loob ng van. Kahit sila Joy at Yeri ay walang balak magsalita. May mabigat kasi na atmosphere sa pagitan ni Ryu at Chae dahil sa nangyari kanina.

Sa may kanto nila binaba si Ryujin dahil baka may makahalata na kinuha sya ng puting van kung sa bahay mismo ni Ryu sya ibaba. Dahil gabi na rin ay sinamahan na ni Chaeryeong si Ryu maglakad at inihatid sa tapat ng bahay nila.

Mula sa paglalakad nila kanina hangngang sa pagdating nila sa bahay ni Ryu ay wala pa ring nagsalita.

Papasok na sana si Ryu sa gate nang hindi nagpapaalam kay Chae ng biglang siyang tinawag nito. Napalingon tuloy sya dahil dito.

"Ryujin, ito cellphone mo. Kinuha ko kanina para icharge kasi napansin ko na lowbatt." Sabay abot sa kamay ni Ryu ng cellphone nya.

Tumango lang si Ryu sa kanya at tahimik na pumasok sa loob ng gate. Napabugtong hininga nalang tuloy si Chaeryeong dahil alam nya na galit sa kanya si Ryujin.

Nang makapagbihis na si Ryujin ng pangbahay ay agad niyang chineck ang phone nya. Sigurado syang nagaalala na ang mga kaibigan nya ngayon.

Hindi naman nagkamali si Ryu dahil agad nya na nakita ang mga messages ni Lia at Yuna. Mukhang mahaba habang kwento ang kailangan niyang sabihin sa dalawang toh.

The White Van | Ryuryeong {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon