066

86 4 5
                                    

Third Person Pov

Walang maririnig na kahit ano sa loob nang classroom nila Ryujin. Nauna kasi silang dumating kaya sila palang nila Lia, Yuna, Yeri at Joy ang nandito.

"Joy!" Mahining bulong ni Ryujin kaya napalingon naman si Joy na nagaayos ng gamit niya.

Lumapit kay Ryu si Joy at tumabi dito. "Bakit master?" Bulong ni Joy.

"Nasaan si Chaeryeong?" Mahinang tanong ni Ryujin.

Hindi kasi kasabay nila Joy at Yeri pumasok si Chaeryeong at Yeji kaya siya nagtataka.

"A-ah! D-di ko po alam master eh!" Napailing si Joy.

"Sure ka?"

"Oo master! Sorry po." Tumayo na si Joy at bumalik sa upuan niya.

Napabugtong hininga nalang si Ryujin dahil mukhang hindi papasok si Chaeryeong.

---

"Mukhang malungkot ka yata ngayon Ryujin." Biglang sabi ni Yeri na kaharap niyang kumakain.

Lunch break na kasi nila kaya nasa canteen sila ngayon. Tama rin ang hula ni Ryu na hindi papasok si Chaeryeong. Ganon rin si Yeji na hindi pumasok.

"Wala kasi yung bebe niya!" Pangaasar ni Yuna na busy kumain.

Hindi nalang sila pinansin ni Ryu at tahimik lang ito na kumain. Napailing nalang tuloy ang lahat dahil sa inaasta ni Ryu.

"B-bakit n-nga pala wala si Yeji?" Biglang nagsalita si Lia.

Gulat na napatingin sa kanya si Joy at Yeri dahil hindi niya inexpect na magtatanong ito.

"H-hindi rin namin alam eh!" Nauutal na sabi ni Joy.

"Mukhang may nangyari na dun sa magbestfriend." Napailing na sabi ni Yuna.

"Wala yan! Baka may personal reasons lang." Siko ni Yeri kay Yuna dahil sa sinabi nito.

"Para hindi ka na magworry kay Chae, libre mo nalang kami Ryu mamayang uwian!" Masiglang sabi ni Yuna habang pumapalakpak.

Ngumiti naman si Joy, Yeri at Lia kay Ryu.

"Bakit ako?" Turo ni Ryujin sa sarili niya.

"Kasi sasamahan ka namin para hindi ka na malungkot!" Sagot naman ni Yeri at tumango si Yuna na katabi niya.

"Dalhin nyo dito si Chaeryeong para masaya na ako." Mahinang bulong ni Ryujin sa sarili niya.

"May sinasabi ka yata dyan master!" Pansin ni Joy kay Ryu.

"Wala! Mamaya nyo na nga ako kausapin sa libre na yan kumakain pa ako eh!" Iritang sabi ni Ryujin.

---

Mabilis na nagayos ng gamit si Yuna at Yeri. Pumunta na rin sila agad sa room ni Ryujin dahil pumayag na ito sa sinabi nila kanina.

"Ryujin!" Sigaw ni Yuna at kumaway si Yeri kay Ryu na nasa loob ng room na nagaayos ng gamit.

Tinanguan lang sila ni Ryujin at tsaka lumabas ng room. Pagkalabas ay nakita na niya na apat.

"Pagdating talaga sa libre mabilis kayo noh." Mataray na sabi ni Ryu sa apat niyang kaibigan.

"Ganon talaga kami! Hindi dapat sinasayang ang opportunity na malibre nang isang Shin Ryujin!" Malakas na sabi ni Joy at tsaka tumawa.

"Tara na nga! Baka magbackout pa toh!" Inakbayan ni Yuna si Ryujin at sabay na naglakad palabas ng campus.

The White Van | Ryuryeong {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon