040

107 7 5
                                    

Third Person Pov

"Mukhang wala pa ring reply ah." Siko ni Yeri kay Chaeryeong na nakatingin lang sa cellphone niya. Hindi pa rin kasi nagrereply si Ryu sa mga texts niya.

"Anong mukhang? Wala talaga." Napailing na sabi ni Joy habang nagaayos ng mga gamit. Maaga kasi silang apat na pumasok dahil inaayos nila ang reporting nila para mamaya.

"Wag nyo na sabihin. Mukhang malungkot na nga oh." Biglang sabi ni Yeji.

"Oo nga pala! Diba kagroup mo si Yuna, Chae?" Biglang tanong ni Yeri.

"O-oo. Pero wala pa yata siya eh sabay naman sila nila Ryu pumasok." Sagot ni Chae sa tanong ng kaibigan niya.

"Nako! Mukhang walang ambag yon sa reporting nyo ah! Mabuti nalang at maayos ang mga kasama ko." Mapangasar na sabi ni Joy.

Napailing si Chae sa sinabi ni Joy. "Hindi ah! May ambag siya. Si Yuna yung gumuwa ng ibang slides." Pagdedepensa niya.

"Okay okay! Sabi mo eh edi may ambag siya." Napatawa ng mahina si Joy.

---

Nang matapos ang reporting sa klase nila Chaer ay lumabas na sila sa room. Ang kasama lang kasi ngayon ni Chae ay ang apat at si Yuna. Hindi kasi same ang class niya kay Ryu at Lia ng ganitong oras.

"Maayos naman reporting nyo Chae! Mukhang tumulong naman si Yuna." Mapangasar na sabi ni Joy.

"Oo nga! Akala ko eh walang ambag yan." Dagdag pa ni Yeji at tiningnan si Yuna.

"Ang sama nyo! Sa tingin nyo wala akong ambag?! Wag kayong assuming ah." Napairap nalang si Yuna.

"Yan pinikon nyo! Galit na tuloy yan." Napangisi si Chaeryeong ng makita na nauna ng maglakad sa kanila si Yuna.

"Teka teka! Wag ka ng magalit joke lang yun!" Sigaw ni Chae at hinabol na si Yuna.

Hindi pa rin tumigil si Yuna sa paglalakad pero nahabol siya ni Chae.

"Wag ka na magalit. Libre nalang kita." Inakbayan ni Chaeryeong si Yuna at napansin na ngumiti na ito.

"Ito na pambawi ko sayo ah!" Birong sabi ni Chae habang naglalakad silang dalawa palabas ng building.

The White Van | Ryuryeong {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon