061

84 6 2
                                    

Third Person Pov

Pagkatapos kumain ay naglakad lakad muna ang magkakaibigan sa loob ng mall para matunaw ang kanilang kinakain.

"Ryujin may ipapagawa ako sayo." Biglang sabi ni Chaeryeong kay Ryu na nasa tabi niyang naglalakad.

"Ano yon?" Tanong ni Ryujin.

"Kunan mo ako ng stuff toy dun sa claw machine!" Turo ni Chae sa may arcade kung saan andon ang claw machine.

"Pleasee" Nagpout si Chaeryeong kay Ryujin.

"Ako nalang kukuha para sayo Chae dahil nilibre mo naman kami kanina!" Biglang akbay ni Yuna kay Chaeryeong.

Nagulat naman bigla si Chaeryeong at ganon rin si Ryujin. Agad na tinanggal ni Chaeryeong ang pagkakaakbay ni Yuna sa kanya.

"Wag na pala! Next time nalang!" Biglang sabi ni Chae.

"Hindi na! Mukhang gusto mo eh, tara na!" Hinila na ni Yuna si Chaeryeong nang may biglang humawak sa kamay nito.

"Chaeryeong, ako na ang kukuha." Mas diniinan ni Ryujin ang pagkakahawa kay Chae.

Agad naman na tinanggal ni Chaeryeong ang pagkakahawak sa kanya ni Yuna at nagsabi ng sorry.

Pagkatapos ay binitawan na rin siya ni Ryujin. "Aray! Ang higpit nun ah Ryu!" Hawak ni Chaeryeong sa kamay niya.

Mabilis naman na naglakad si Ryujin at Yuna sa loob ng arcade. Napailing nalang tuloy si Chaeryeong dahil mukhang may mangyayari na masama.

The White Van | Ryuryeong {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon