Duda. Pangamba. Mahal Ko Talaga Siya

6 2 1
                                    

ALEXIS POV

Ilang linggo na rin ang nakakaraan buhat ng kanilang pagdalo sa conference sa Cebu. Panay ang tingin ko sa kanyang social media account. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, maaasar, magseselos, mangangamba o matatakot. Yung like at heart reaction. Samu't saring reactions ang nakikita ko. Hindi rin ako mapakali sa mga komentong aking nababasa.

"grabe ang ganda mo, miss."

"Blooming."

"Is that you? You look great."

"Ikaw na ma'am."

"Kahit masungit kayo ma'am, love kita."

Hindi ata maganda na pinagupitan niya ang kanyang buhok. Instant celebrity siya.

Tuloy pa rin ang kakascroll-down ko nang bigla kong nakita na may picture sila ng kanyang katrabaho.

"Bagay kayo, doktora."

"Best couple."

"Powerhouse."

"Kailan ba ang kasal?"

Alam ba ng mga tao na ito na may boyfriend na si Larisa? Ako iyon. Hindi yung trying hard na katabi niya.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa may kusina. Pinakita ko ang larawan ni Larisa sa isa sa mga crew ko. Tinapat ko sa aking sarili at nagtanong.

"Sa tingin mo bagay ba kaming dalawa?" Titig na titig ang kausap ko sa larawaang pinakita ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at binaling ulit ang tingin sa larawan.

"Okay naman po, sir."

"Okay? Sa tagal ng pagkakatitig mo okay lang ang masasabi mo?"

"Bakit po sir? Crush ninyo po ba siya? Tanong niya sa akin.

"Crush? Hindi ko siya crush. Girlfriend ko siya noh?" 

Tumawa lamang ang crew ko na may pang-iinsulto.

"Si sir talaga palabiro. Okay lang po sir na humanga sa kanya. Ang ganda nga niya po. Saan ko siya pwedeng makita po, sir?"

Bigla kong nilayo ang aking cellphone sabay suksok sa aking bulsa. "Sabi ko nga sa iyo na girlfriend ko siya."

"Sige na nga po sir."  Sabay alis at kuha ng mop sa gilid.

Kinuha ko ulit ang aking cellphone sa bulsa at tinitigan ang picture ni Larisa. Hindi ba kami bagay? Bigla akong tinawag ng isa kong tauhan. Sira raw ang motor wala raw pwdeng magdeliver ng food. Tinignan ko ang address at agad akong pumayag na ako na lamang ang maghahatid. Naka-address sa hospital na pinagtatrabahuan ni Larisa.

"Okay lang talaga, sir?" Tanong ng tauhan ko.

"Walang problema naman sa akin." Kinuha ko ang pagkain at saka lumabas sa restaurant.

Pagdating ko sa hospital tinuro ako ng gwardiya na nasa conference room ang nagpadeliver ng pagkain. "Deretso ka lang tapos may elevator kang makikita. Third floor." Sabi ni manong guard. Habang naglalakad papuntang elevator nakasabay ko bigla ang doktor na tinutukso kay Larisa. Nang bumukas ang pintuan ng elevator sabay kaming pumasok. Pinindot ko ang third floor sabay tanong kung sa third floor din ba siya.

"Mga tuna sandwich ba riyan?" Tanong ng doktor sa akin. "Opo." Sagot ko. Biglang ngiti niya.

Nang makarating kami sa third floor. Una siyang lumabas. Sumunod naman ako. Papasok na sana ako sa conference nang biglang sinabi ng doktor na siya na bahala sa delivery. Akmang kukunin na sana niya ang dala-dala kong pagkain ngunit nilayo ko agad. "Salamat po dok pero ako na po bahala sabay pasok sa conference hall.

MY MAY-DECEMBER FAIR LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon