Speechless

14 2 1
                                    

CHAPTER 6.0 Speechless

LARISA POV

"Bakit po ako ang a-attend ng conference sa Cebu?" Tanong ko sa head doctor ng hospital. "Ikaw kasi yung nagtuturo sa ganitong level at magagamit mo naman iyon sa klase mo. For 3 days lang naman." Paliwanag niya sa akin. Hindi na ako humirit ng isa pang tanong. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon nagbilin ako sa aking secretary na mawawala ako ng ganitong araw. "Pakisabihan ang mga pasyente ko." Wika ko sa kanya. Binilinan ko na rin ang maliliban kong klase. Napatingin ako sa aking cellphone at nagdadalawang-isip kung tatawag ba ako kay Alexis o hindi. "Kailangan ba niyang malaman?" Tanong ko sa'king sarili.

"Pupunta ako ng Cebu para sa isang conference." Message sent.

Habang sinusulat ang reseta para sa aking pasyente bigla akong nakatanggap ng kanyang reply. "Kung ganoon ingat ka." Napangiti ako at saglit na binaba ang aking cellphone.

"Doktora, okey lang naman po sa akin kung rereplayan mo po yung nagtext po sa inyo." Wika ng aking pasyente na may ngiti sa kanyang mukha.

"Okey lang po. Mamaya na lamang. Kailangan na ninyo itong reseta." Tugon ko sa kanya.

"Naku doktora okey lang talaga ako. Sige na po. Replayan na ninyo po siya." Pamimilit niya. "Matagal ko na po kayong doktor at yung ngiti ninyo po ang magpapagaling sa akin." Dagdag niya.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Busy na rin siguro po siya at hindi na iyon magrereply agad." Sabay abot ng kanyang reseta.

"Sana makita ko siya sa personal." Wika niya. Napaisip ako kung bukod sa pasyente ko ngayon, sino pa ang matutuwa na in a relationship ang tulad ko.

Tumayo ako saglit at nagtungo sa aking secretary. "May appointment pa ba ako?" Tanong ko sa kanya. "Maya pa po doktora, mga 4 hours pa po. May klase po ba kayo?" Nahihiya akong magsabi sa kanya kung pwede ba akong lumabas saglit. "May gusto sana akong bilhin ngayon." Sabay kamot sa aking uluhan. "Gusto ninyo po ba na ako na lamang po ang bumili? Matagal din siyang nakatingin sa akin. Naghihintay ng aking isasagot. "I'm good. Don't worry." Sagot ko sa kanya. Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanyang desk. Umikot ako bahagya at nagsalita ulit. "Sa tingin mo nakakabawas ba sa isang babae na... alam mo na... maaaring gusto ka... gusto mo rin siya... gusto ninyo ang isa't isa." Tinitigan lamang niya ako na may ngiti sa kanyang mga mata. "Doktora may apat na oras ka pa po bago ang sunod mo pong appointment. Kung mahuli man po kayo, ako na po ang bahala." Wika niya sa akin. Ramdam ko na alam niya ang gusto kong sabihin sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na umalis ako saglit sa aking clinic room. Agad akong pumasok sa aking opisina at kinuha ang aking bag. "Babalik agad ako." Nang ako'y palabas na, pinahubad niya sa akin ang lab gown. "Don't tell me doktora magde-date ka na may suot na lab gown." Sabay tawa. "Okey lang ako." Nag-wave goodbye ako sa kanya at nangakong dadalhan ko siya ng kape.

Habang naglalakad ng mabilis hindi mapinta sa aking mukha ang sobrang kagalakan. Pumipintig din ng mabilis ang aking puso. Makikita ko lang naman siya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko mapaliwanag. Gusto ko siyang itext kaso nanaig yung gusto ko siyang sopresahin. Hindi naman ganoon kalayo mula sa kanyang restaurant. Mga twenty minutes mararating ko yun.

Nang makarating ako sa kanyang restaurant napahinto ako bahagya sa may pintuan. Napatingin sa kanyang kausap. Parang namumukaan ko yung babae. Melissa? Melissa Santos. Dating kaklase niya. Tila nanikip ang dibdib ko. Kanina lang sabik akong makita si Alexis ngayon parang gusto kong umurong. Umikot at bumalik sa aking klinika. Paalis na sana ako nang bigla akong nakita ni Melissa. Agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. "Omg. Ma'am." Napayakap siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Lumapit din si Alexis at nag-hi sa akin. "Kamusta po kayo?" Tanong ni Melissa sa akin. "I'm good. Ano ginagawa mo rito?" Ang panget ng tanong na iyon. "Nagtext ang mga kaklase namin po na subukan ko raw kumain sa bagong restaurant ni Alexis. Kaya mula sa Quezon City dinayo ko pa po ang place niya." Hindi ako mapakali. Gusto ko na talagang umalis ngunit niyaya ako ni Melissa na makipagkwentuhan at umupo sa loob.

MY MAY-DECEMBER FAIR LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon