Truth

11 2 1
                                    

CHAPTER 9.0 Truth

LARISA POV

Hindi maubos-ubos ang pangangamusta ng ilang doktor sa akin. Pagkakita nila sa lobby ng hotel agad nila akong kinamusta at tinanong ang magiging talk ko sa conference. Ako naman itong natuwa. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, isang malaking previlage na mabigyan ako ng oras para magsalita sa harapan nila.

"Miss Romero, we are please to see you. Hope you can enjoy staying here in Cebu." Sabay shake-hands sa akin.

"It's my honor to invite in this kind of conference."

Panay ang kwento nila na marami silang naririnig na magagandang bagay mula sa dean na tinuturuan ko. Panay rin ang pakilala nila sa bang doktor na kakilala nila. Hindi matapos tapos ang pag-uusap ko sa kanila. Kwentuhan dito, kwentuhan doon.

"Ang galing mo Miss Romero. Biruin mo nahahati mo ang pagtuturo at panggagamot." Wika ng isang doktor sa'king tabi.

"Time management lamang po." Wika ko sa kanya. "Sa edad na meron ka masasabi kong ang successful mo na, Miss Romero." Dagdag ng aking kausap.

"Salamat po." Tugon ko sa kanya.

Lalo pang dumagsa ang ibang mga doktor na lalahok sa conference hanggang sa namalayan ko si Alexis na lumabas sa hotel.

"Will you excuse me for awhile." Dali-dali akong umalis sa kumpulan ng mga doktor at hinanap ko si Alexis sa labas. "Asan siya?" Tanong ko sa'king sarili. Bigla na lamang may kumalabit sa'kin at nagtatanong kung ano ang numero ng aking tutuluyan. Laking gulat ko na dala-dala niya ang aking bag.

"Sino po nagbigay ng mga gamit na iyan kuya?"

Dahan-dahang inangat ng bellboy ang mga gamit na dala-dala niya. "Isang lalaki po. Kaso agad din siyang umalis po."

Binanggit ko sa kanya ang numero ng aking tutuluyan para mailagay na niya at agad akong tumawag kay Alexis.

"The number you dialed is unattended. Please try your call later. The number you dialed is unattended. Please try your call later."

Nakapatay phone niya. Laking pagtataka ko na hindi naman niya ugaling patayin ang kanyang phone. Nag-isip ako kung saan siya pwedeng pumunta. Pareho kaming walang alam pagdating sa Cebu. First time namin pareho sa probinsya na ito.

"Excuse me po, may malapit po bang tourist attraction mula rito sa hotel?"

Tinawag niya ang isa niyang kasamahan para tanungin yung tinanong ko sa kanya. "Isang sakay lang po mula rito yung simbahan po ng Sto Niño." Tugon ng kasama niya.

"Thank you." Agad akong pumara ng taxi. "Manong sa simbahan ng Sto. Niño po."

Pilit kong iniisip kung bakit umalis si Alexis na hindi man lang nagsabi sa akin. May nagawa ba ako? May nasabing hindi maganda? Baka naman ayaw niya talagang sumama. Kasama ako. Ang daming pumapasok sa utak ko ng mga dahilan kaya ako iniwan ni Alexis sa hotel. Sa mga dahilan na iyon hindi ko alam kung alin roon.

"Ma'am pasensya na at matrapik po. Baka po kasi nagmamadali po kayo."

"Medyo lang po. Maaari po kasing andoon yung kasama ko po."

Napatingin siya sa kanyang side mirror. "Kikitain ninyo po ba ang kasintahan ninyo po?"

Naalala ko yung tanong niya sa akin kanina. Napakamot na lamang ako ng aking ulo at bahagyang napangiti.

"May problema po ba?" Tanong ni manong sa akin.

"May naalala lamang po ako. Malayo po ba rito ang simbahan?"

MY MAY-DECEMBER FAIR LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon