MEMORY LANE

10 2 1
                                    


ALEXIS POV

8 A.M ang magiging talk ni Larisa. Niyaya niya akong makinig sa kanyang talk at pagkatapos ng conference sabay na kaming mag-lunch. Nakatingala ako sa kisame ng aking tinutuluyan at nag-iisip kung pupunta ba ako o hindi. Hindi naman sa hindi ko siya sinusuportahan, Maaari kasing hindi ko maintindihan ang magiging usapan sa conference na iyon. Sabihin natin na kahit papaano may alam ako sa pag-uusapan sa conference na iyon paano kung lumalim ang pag-uusap, maiintindihan ko pa ba?

Bumangon ako sa aking kama at hinawi ang kurtina para makita kung anuman ang meron sa labas. Tumingin ako sa malayo at pinagmasdan ang hugis ng mga ulap.

"Pupunta ba ako?" Tanong ko sa aking sarili. Bumalik ako sa aking kama para kunin ang aking cellphone.

"Gising ka na ba?" Message ko kay Larisa.

Larisa wants to video chatting from...

Nanlaki ang mata ko ng makita ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Agad akong kumaripas patungko sa salamin. Nakasuot pa rin ako ng pajama. Sa taranta ko hinila ko ang kumot at tinalukbong ko sa aking katawan sabay sagot ng kanyang video call.

"Bakit nakakumot ka ng husto? May sakit ka?" Tanong ni Larisa sa akin.

"Nakahubad kasi ako." Sabay ngiti sa kanya.

"Alexis, kailanman di mo kayang matulog na nakahubad kaya huwag kang patawa riyan."

Kilala nga niya ako. Nilapag ko ang aking cellphone sa isang lamesa sabay tanggal ng kumot sa aking katawan saka ko nilapag sa kama. "Paalis ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Mula sa kabilang linya, nilayo niya ang kamera at nagtanong kung okay ba ang kanyang suot.

"Naka-lab gown ka naman mamaya kaya hindi nila mapapansin ang iyong suot."

"Gusto ko rin na maging presentable sa harap ng nakakarami." Bahagya siyang umikot at nagtanong kung okay na ba yung kanyang suot.

"Maganda ka kahit anuman ang isuot mo."

"Saglit lang. Tatawag ulit ako sa iyo. Magpapalit ako." Sabay baba.

Mga ilang minutong nakalipas tumawag ulit si Larisa sa akin. This time, nakapalda naman siya. "What do you think?" Tanong niya sa akin.

"Maganda rin naman yung kanina. Sabi ko nga sa iyo kahit anuman ang suotin mo bagay sa iyo."

Humingi ng malalim si Larisa at sinabing kinakabahan siya para sa mangyayaring talk.

"Gusto mo bang dumating ako sa talk mo? Kahit na niyaya mo akong makinig mamaya kinakabahan din ako sa mga doktor na andoon. Siyempre sila mauunawaan nila ang sasabihin mo ako malaking question mark iyon para sa akin." Wika ko kay Larisa.

"Ang totoo niyan, niyaya kita hindi lang para makinig ka kundi gusto ko pagkatapos kong magsalita ikaw agad yung unang tao na lalapitan ko. Higit sa lahat gusto kong mawala ang aking kaba. Makita lang kita na nakatingin sa akin pakiramdam ko mawawala yung kabang mararamdaman ko mamaya."

Kainis itong babae na ito. Bawat salitang sinasabi niya pakiramdam ko sasabog sa galak ang aking puso. Hindi ko alam kong inaasar ba niya ako o gusto niyang makitang kinikilig ako.

"Kung ganoon, mahuhuli ako ng kaunti. Yung tipong hindi ko masisimulan ang talk mo. Pero pangako ko pagkatapos ng iyong talk nakahanda na ang isang bulaklak at yung aking ngiti sabay sasabihin sa iyo "ang galing mo talaga."

"Pinakikilig mo ako sa mga sinasabi mo sa akin ngayon, Alexis." Sabay tawa.

"Nang-aasar ka, Larisa?"

MY MAY-DECEMBER FAIR LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon