Siya yun ha? Hindi nga?

97 5 1
                                    

CHAPTER 2.0 Siya Yun Ha? Hindi Nga?

ALEXIS POV

"Alexis! Alexis!" Sigaw ng aking kaklase na di ko alam kung anong nakain niya at tinawag niya ako. Kilala ko ang aking kaklase na tinatawag lang ako kung may kailangan lang siya kung wala naku para akong invincible. Napalingon ako at huminto sa aking paglalakad.

"Ano ang problema mo, pre?" Tanong ko sa kanya.

"Problema agad ang iniisip nito pwede namang may sasabihin lang ako sa iyo kaya tinawag ko yung atensyon mo."

Napakamot ako ng ulo at tinanong siya kung ano ang kailangan niya sa akin.

"Di ba single ka naman?" Wika niya sa akin. Napalunok naman ako ng aking laway. Ano kaya ang naiisip ng tao na ito at tinanong niya iyon?

"May mangyayari bang masama sa akin kung sabihin ko sa iyo na... oo?" Tanong ko sa kanya. Tumawa ng malakas ang aking kaklase sabay akbay sa akin.

"'tol may ka-textmate ako. Taga ibang university. Baka naman gusto mong sumama sa akin?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Date mo iyon bakit kailangan ako?" Tanong ko ulit sa kanya.

"May kaklase rin kasi siya siyempre ang panget naman na kasama niya kaklase niya tapos wala siyang partner siyempre masaya kalag may partner din siya." Wika niya sa akin. Napaisip ako sa kanyang sinabi.

"Maaga naman ang uwi natin." Tugtog pa niya. Wala rin naman akong gagawin kaya napa-oo ako di oras. Binigay niya sa akin ang oras at yung meeting place. Siguraduhin ko na may extra akong pera baka bigla kasing magpalibre ang mga babae na iyon. Diyahe naman kung wala raw akong pampalibre.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pagdating sa mall no show ang kaklase ko. Ay naku baka naman kargo ko lang ang mga babaeng tinutukoy niya. Nag-antay ako hanggang sa nakita ko siyang papalapit kasama ang mga babaeng tinutukoy niya kanina.

"Girls meet my classmate Alexis. Single yan!." Wika niya. Agad akong nakipagkamay sa kanila sabay alis sa aming meeting place. Lakad lang kami ng lakad. Yung kaklase ko enjoy na enjoy kakwentuhan yung dalawang babae. Ako naman O.P. Chaperon ang dating ko. Dapat pala di na ako sumama. Bigla na lamang napatigil ang mga kasama ko sa paglalakad. Curious ako kaya inalaman ko kung bakit. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya na may kasamang lalake. Biglang kalabit ng kaklase ko. "Pre hula ko bf yan ni ma'am." Napakunot na lamang ako ng noo nang sinabi niya iyon. "Kung ka-edad lang natin siya malamang ligawan ko siya pero baka mapasuko ako. Sobrang galing niya. Di ko reach ang kanyang utak." Dagdag niya. Biglang alis ko. Hindi ako interesadong malamang kung sino yung lalakeng katabi niya at isa pa nadamay lang ako sa ganitong lakad. Hindi na ako hinabol ng aking kaklase pero rinig ko na sinigawan niya akong "KJ". Bahala siya >.<

Pagkalabas ng mall hindi ako mapakali. Pakiramdam ko gusto kong bumalik at sundan si Larisa kasama yung lalakeng nakita namin kanina. Pero... tama kaya yun? Kung iisipin ko hindi naman kami sa paraan na gusto kong mangyari. Kami dahil sa mga parent namin. Napakamot na lamang ako ng aking ulo sabay tuloy sa paglalakad. Tumingin ako sa aking relo at maaga pa para umuwi kaya nagdesisyon akong tumambay sa isang pampublikong silid-aklatan. Hindi ako mahilig magbasa pero no choice ako. Ayaw kong bumalik sa school ngunit sa di inaasahang pangyayari biglang sulpot ng isang bus. Agad na lang akong sumakay pauwi sa amin. Umupo ako malapit sa bintana at dumungaw ako. Pinagmasdan ang mga taong naglalakad at nagsisitawiran. Di ko namalayan na sumakay din pala si Larisa. Biglang tunog ng aking cp.

MY MAY-DECEMBER FAIR LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon