Sick and inlove

13 2 0
                                    

CHAPTER 5.0 39 Degrees Celsius

LARISA POV

38 degrees Celsius.

Nahihilo at masakit ang aking katawan. Sa kondisyon na meron ako, imposible na makapasok ako sa unibersidad at sa klinika. Minabuti kong tawagan ang aking secretary para malaman ang aking kalagayan.

"Sige po doktora. Noted po." Wika niya mula sa Kabilang linya.

Tinawagan ko ang isa kong kuya para malaman niya ang aking kondisyon.

"Sabi ko na sa'yo sa umpisa hindi maganda na bumukod ka. Wala ka pa namang asawa. Si mommy at daddy lang ang iwan minsan sa bahay. Susunduin ka ni manong para sa bahay ka na makapagpahinga."

"I'm okay, kuya. Pasabi na lamang kay mommy na dalhan na lamang ako ng makakain ko rito." Tugon ko sa kanya.

Tumayo ako saglit at pumunta sa kusina. Kumuha ng baso para makainom.

Bumalik ako sa aking higaan para magpahinga.

Parang kailan lang nang muli kami magkita ni Alexis. Napangiti ako bigla ng maalala ko iyon. Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang kanyang contact. Ito pa rin ba? Baka naman nagbago na?

Calling...

Bigla na lamang may nagdoorbell. Saglit akong napasilip kung sino iyon.

Doctor Enrique. Agad ko siyang pinagbuksan ng pintuan.

"Napadaan ka po ata, doc."

"Nabalitaan ko sa iyon secretary na may sakit ka. Wala pa naman akong klase kaya dumaan ako saglit para dalhan ka dito."

Inabot ko ang dala niyang pagkain at pinatuloy siya.

"May bagong bukas na kainan sa tapat ng university. Maraming kumakain kaya sinubukan ko." Dagdag niya.

Hindi rin tumagal si doctor Enrique. Saglit lang din kami nakipagkwentuhan sa isa't isa. May gagawin pa raw siya. Ako naman kailangan ko magpahinga. Mga ilang oras din akong nakatulog. Hanggang ngayon wala pa si mommy. Bigla na lamang nagring ang aking cellphone at agad ko naman itong sinagot.

"Larisa, anak mahuhuli ako ng dating may pagan ka na ba riyan? Kamusta pakiramdam mo? Gamot ba? Uminom ka na ba nun?

"Okay lang po ako, mommy. Don't worry." Wika ko sa kanya. Tinignan ko ang pakete ng take-out box na binigay sa akin ni doctor Enrique. "Twist Restaurant." May nakalagay ng delivery number at nakalakip ang listahan ng mga pagkain nila.

"Chef's choice?" Nagtaka ako kung anong klaseng pagkain yung chef's choice. Tumawag ako para masubukan iyon.

"Good afternoon. Twist Restaurant. May I take your order." Mula sa kabilang linya, nabosesan ko ang taong sumagot ng telepono.

"Alexis?" Saglit na hindi nasalita ang kausap ko.

"Si Larisa 'to."

"Hindi nga?" Napangiti ako. Binigay ko sa kanya ang aking order. Binigay ko rin ang address ng tinutuluyan kong apartment.

"Mga 30 minutes." Wika niya.

"Ok."

Habang naghihintay, kinain ko muna ang dalang pagkain ni doctor Enrique. Masarap at malinamnam ang pagkain. Binasa ko ang iba't ibang putahe na nakalagay sa menu. Dessert, main dish at iba't ibang drinks rin.

Dingdong. "Twist Restaurant. Delivery po." Agad kong pinagbuksan ang pintuan. Siya mismo ang nagdala ng aking inorder.

"Hindi ka pumasok?" Tanong niya sa akin.

"May sakit ako." Wika ko sa kanya.

Nang kukunin ko ang dala niyang pagkain, binawi niya ito at sabay sabina hindi ito ang pagkain para sa akin.

Pumasok siya at hinanap ang aking kusina.

"May laman ba ang refrigerator mo?" Tanong niya.

"Meron."

Nilapag niya sa isang lamesa ang dala niyang pagkain. Huwag ko raw kainin. Ipagluluto niya ako.

"Sa tulad mo dapat sa iyo lugaw."

Umupo ako sa isang sulok na malapit sa kanya. Habang naghahanda siya, nagtanong ako kung ano yung chef's choice.

"Isang sandwich para sa mga busy person. Kahit sandwich lang iyon para ka na ring kumain ng complete meal. Minsan naman onigiri. Minsan burrito. Depende sa araw."

"Bakit mo naman naisipan na makaroon ng ganoong menu?"

"Tulad ng sinabi ko, maraming tao ang hindi kumakain sa tama. Minsan kulang pa kaya naisipan ko ang ganoong menu."

"Akala ko naman dahil sa akin." Napahinto siya bigla nang aking nasabi iyon.

"Kahit kailan talaga magaling kang mang-asar."

Pinagmasdan ko siyang magluto. Titig na titig ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Alexis. Ang saya ng puso ko. Hindi ko man mapaliwanag ng buo, alam kong masaya ako ngayon.

Nang matapos inabot niya sa akin ang kanyang niluto.

"Kumain ka na."

Tinikman ko ang kanyang gawang lugaw. Masarap tulad kanina ng kinain ko kanina. Ngunit mas masarap ito kasi personal niyang gawa ang lugaw na'to.

"Masarap?" Tanong niya sa akin.

"Oo. Nagustuhan ko." Sabay ngiti.

"Pagdating sa pagluluto hindi ako papalya." Pagyayabang niya.

"Eh yung nagluto, gusto mo rin ba?" Tanong niya sa akin.

Tumitig ako sa kanya sabay ngiti.

Umiwas siya ng tingin sa akin.

Namumula at napapakamot sa kanyang ulo.

"Kahit may sakit ako alam mo kung ano ang isasagot ko sa tanong mo na iyan."

"Mas maganda kasi na nangagaling kasi sa iyo." Pamimilit niya.

Huminga ako ng malalim. "Hindi kita gusto."

Nagulat siya at isang matalim na tingin ang kanyang sinalubong sa akin.

"Sige. Ubusin mo 'yang lugaw. Uminom ka na rin ng gamot. Mauuna na ako. Hinahanap na rin marahil ako sa restaurant."

Nang siya'y papalayo na sa akin at paalis na sa kusina, bigla akong nagsalita na may ngiti sa'king mukha.

"Hindi kita gusto kasi mahal nga kita. Sabi ko nga sa iyo alam mo ano ang sasagot ko."

Isang namumulang Alexis ang aking nasaksihan. Hindi makatingin ng deretso. Pautal-utal kung magsalita.

"Ma-u-na n-a a-ako."

Habang kumakain isang text ang aking natanggap.

"Walang bawian. Mahal din kita."

Ngayon, ako naman itong namumula sa galak.

MY MAY-DECEMBER FAIR LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon