Six-Year. Still, it's you

24 1 0
                                    

CHAPTER 4.0 Six-Year. Still, It's You

LARISA POV

2020. Dumaan ang New Year at Valentine's day sa buhay ko. Maraming blind dates ang napuntahan ko na rin. Ngunit ni isa roon hindi ako naging masaya.

"Happy Valentine's day." Sabay bigay ng bulaklak sa akin. Inihanda ng waiter ang pre-order na kape at inilapag sa aming lamesa.

"Narinig ko sa kuya mo na nagtuturo ka sa isang university. Ang busy mo palang tao." Wika ng lalakeng ka-date ko ngayon. Hindi na bago ang ganitong tanungan. Hindi naman nawawala na ang unang tinatanong sa akin ay ang aking trabaho. Pangalawa nilang itatanong ang pingkakaabahalan ko sa buhay.

"Matagal ko ng kaibigan ang kuya mo. Marami siyang nasasabing magagandang bagay sa iyo."

"Balita ko rin na nagcli-clinic ka minsan sa hospital." Dugtong niya. Nakangiti lamang ako habang nagsasalita siya at paminsan-minsan humihigop ako ng order kong kape.

"By the way miss Larisa, can I ask you kung may boyfriend ka ba?" Napatitig ako sa kanyang sinabi. Napatingin sa aking relo at sabay tayo sa aking kinauupuan.

"Kailangan ko ng umalis. May pupuntahan pa ako. Thank you and nice meeting you." Agad kong kinuha and aking bag at unti-unting naglakad papalayo sa kanya. Habang nasa elevator tinawagan ko ang isa kong kuya para sabihin sa kanya na itigil na ang mga blind date na iyan.

"Kuya I'm okay. Don't worry about me. Alam kong ako na lamang ang walang asawa sa atin. Sila bunso naman kahit na may mga girlfriend pinagtutulakan din ako na maghanap ng boyfriend. Si mommy nga hindi ako pini-pressure."

"Risa, 35 ka na. Iniiisip ko rin naman ang kapakanan mo. Gusto kong may mag-aalaga rin sa iyo."

Bigla ako nagpaalam sa aking kapatid nang pagkatapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon. May punto naman siya ngunit naniniwala ako sa tamang panahon at sa tamang pagalaw ng oras.

Pagdating sa basement ng isang mall, agad kong hinanap kung saan ko pinark ang aking sasakyan. Maabutan ko pa ang mini concert ng mga bata. Para malibang ang aking sarili, naging volunteer ako sa isang bahay ampunan. Mas ramdam ko ang saya kapag kasama ko ang mga bata kaysa umaten ako ng isang blind date. Sana naman itigil na ni kuya.

Sa mga panahon na hindi ako busy, sumasali ako sa mga charity works ng hospital pati ng university. May isa akong bahay ampunan na lagi kong binabalikan para sa mga bata at para na rin sa mga madre. Hindi naman ganoon kalayo sa university. Tuwing pasko nagkakaroon ako ng mini Christmas party. Niyaya ko ang ibang doktor at iba kong estudyante para makisali at makapagbigay din ng saya. Minsan naman niyaya ko ang mga kaibigan kong mga guro para turuan ang mga bata na magsulat at magbasa.

Matrapik. Hindi maiiwasan sa ganitong oras. Rush hour. Malulungkot ang mga bata kung hindi ko mapapanood ang kanilang Valentine concert. Kailangan makarating. Gusto ko ring mapanood ang mga bata.

Habang binabagtas ang daan bigla na lamang pumukaw sa akin ang isang alaala.

Six years ago.

Isang phone call ang natanggap ko mula kay mommy. Bihira lang niya akong tawagan.

"Anak magkikita kami ng kaibigan ko. Yung dati nating kapitbahay noon. Excited na ako kasi for almost ten years magkikita muli kami." Wika niya mula sa kabilang linya.

"that's great! Isama mo po si kuya." Tugon ko.

"Actually anak ikaw ang gusto kong isama. Naaalala mo yung makulit na anak niya. Alex ata ang pangalan. Binata na at nasa kolehiyo na rin."

Nagtataka ako kung ano ang gusto niyang sabihin. "Bakit po ako?" Tanong ko sa kanya.

"Wala siyang girlfriend anak at di ba noon pa man nakukyutan ka sa bata na iyon. Malay mo kayong dalawa talaga ang tinadhana."

MY MAY-DECEMBER FAIR LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon