10

2K 47 8
                                    

B E A's




I woke up early to prepare our breakfast. I guess I should get used to it.





Hindi ako magaling magluto pero atleast kaya ko naman magprepare ng breakfast, simple breakfast lang hehe



Lalo na ngayon at nandito si witch mainit pa naman ang ulo nun kapag gutom.




Hindi naman siguro maarte yun sa pagkain, hoping na hindi dahil kung oo magkakaproblema talaga kami.






Nagluto lang ako ng hotdog, corned beef at bacon syempre with fried rice.




Pagkatapos kong nagluto pinuntahan ko na ang kwarto nya at kumatok.




" heyyy! Jhoooo! Wake uppp! " sigaw ko sabay katok wala parin akong naririnig na response





" Jhoanaaa! Gising naaa! Ayaww kong malate sa officeee! " sigaw ko ulit at nilakasan pa ang pagkatok





" Jho---- a..ahhhh! B..Bat ganyan ang itsura mo?! " sigaw ko dahil sa gulat




Paano ba naman kasi gulo-gulo ang buhok nya at natatakpan pa nito ang mukha nya, madilim ang kwarto nya. Aakalain mo talagang multo sya. Lalo at puti ang suot nyang nighties.



Dati witch lang Beatriz ngayon multo na, nailing nalang ako sa naiisip ko.




" La kang paki, istorbooo! " galit na sigaw nya akmang isasara nya ang pinto ng harangan ko ito




" Problema mo?! Ang aga-aga mong mambulabog Beatriz " mataray na sagot nya at tinali ang buhok buti naman mukha na syang tao hehe taong witch






" kailangan mo ng bumangon kasi male-late na tayo sa office, di mo dala car mo diba? Kaya sasabay ka sa akin " sagot ko tinaasan nya lang ako ng kilay






" kung ayaw kong sumabay sayo may magagawa ka? saka ihahatid ng driver namin yung car ko mamaya so that means pwede akong hindi sumabay sayo or else I can commute " walang ganang sagot nya napabuntong hininga nalang ako sa katigasan ng ulo nya




" Hindi na kailangan nandito naman ako saka iisa lang naman ang pupuntahan natin, tipid sa gas diba? " tanong ko inikutan nya lang ako ng mata at ngumisi





Yung ngisi na alam mong may binabalak na naman na masama.





" At dahil mapilit ka okayyy, sasabay ako sayo but sasakyan ko ang gagamitin my car, my rules " nakangiting sagot nya mabilis akong umiling





" its a No! Hindi ako sanay na sasakyan ng iba ang gagamitin ko sa akin ka sasabay at car ko ang gagamitin " sagot ko tinignan nya lang ako ng seryoso





" okay Beatriz madali akong kausap edi di ako sasabay sayo, pumasok ka mag-isa mo. Pag-iisipan ko pa kung pupunta ako sa office mo or not. Bye! Goodmorninggg! " tatalikod na sya ng mahawakan ko ang braso nya







Huminga nalang ako ng malalim bago nagsalita para pakalmahin ang sarili ko.




" o..okay Jho go get ready, your car your rules. Make it fast coz the food is ready. " I replied calmly she smiled and lean in to kiss me in my cheek




The Deal 💖Where stories live. Discover now