52

2.7K 81 51
                                    

J H O's



Naririndi na ang tenga ko dito sa katabi ko, kanina pang pagkagising nya umiinit na ang ulo ko.


Wala lang tong sakit babanatan ko to.



" Jho baby sige na kausapin mo na yung doctor at uuwi na tayo, doon nalang ako magpapahinga " sagot nya at niyuyugyog ang braso ko napairap nalang ako



" Jusko naman Beatriz ang kulit-kulit mo sabi na ngang mag-antay pa tayo ng resulta ng test mo saka nila sasabihin kung dapat ka ng umuwi. " sagot ko napanguso naman sya



" Eh kasi naman bored na ako dito, kain tulog lang ginagawa ko. " reklamo nya napabuntong-hininga naman ako





" Sige ganito nalang, ipagpapaalam kong lumabas tayo ng room mo at magpahangin " suggest ko nag-isip naman sya bago sumagot




" Sige na nga lang kaysa naman nandito lang ako sa kwartong to. " sagot nya lihim naman akong napangiti



" Sige antayin mo ako dito pupunta lang ako sa nurse station " sagot ko tumango naman sya




Naglakad naman ako papuntang nurse station at pinagpaalam kung pwede kaming lumabas ng room nya, noong una ayaw talaga nila pero nakiusap ako na hindi naman kami magtatagal at lalayo kaya sa huli napapayag ko rin sila.



" Oh ano yang dala mo? " tanong nya at kumunot ang noo



" Kasi di sila papayag lumabas ka kapag hindi ka gagamit ng wheelchair " sagot ko napakamot naman sya ng batok



" Pero mapapagod ka, huwag nalang dito nalang tayo. " sagot nya umiling naman ako sa kanya


" Ano ka ba tara na okay? Maupo kana " utos ko napabuntong-hininga naman sya bago umupo





" Saan mo gustong pumunta? " tanong ko tumingin naman sya sa akin bago nagsalita




" Dalhin mo ako sa chapel baby. " sagot ko ngumiti naman ako at tumango saka ako dahan-dahan na naglakad



" Hindi ako mabigat? " nag-aalalang tanong nya



" Hindi po kayang-kaya kaya kita. " sagot ko natawa naman sya




" Kung sa bagay kayang-kaya mo nga ako sa bed eh " sagot nya pinitik ko naman agad ang tenga nya



" Aray naman baby hindi kana mabiro, napapaisip na tuloy ako yung magiging asawa ko miyembro ng amasona " sagot nya kaya nahampas ko ang balikat nya


" Kung ayaw mo akong maging asawa edi wag akala mo ba pipilitin kita?  " sagot ko hinawakan naman nya ang kamay ko


" Kalma na baby, joke ko lang yun. " sagot nya napairap naman ako



" Upo ka dito sa tabi ko. " utos nya ng makarating kami sa chapel tumango naman ako sa kanya at umupo sa tabi nya hinawakan naman nya agad ang kamay ko




Hawak kamay kaming pumikit at taimtim na nagdasal.




" Anong pinagdasal mo? " tanong nya at nanatiling nakatingin sa altar

" U..Uhm kailangan mo bang malaman pati yun? " tanong ko narinig ko naman ang mahina nyang tawa



" Sige na nga hindi na ako mangungulit kung ano ang pinagdasal mo, ikaw ba gusto mo bang malaman kung ano ang pinagdasal ko? " tanong nya napasulyap naman ako sa kanya



The Deal 💖Where stories live. Discover now