"MUNDO" pt. 2

80 8 26
                                    

Ken's pov

Iniwan na nga ako, iniwan na ako ng babaeng minahal ko..

After that day, sinubukan kong icontact mga kaibigan niya pero lahat sila di nila sinasabi sakin kung nasan si Rita.

Siguro eto na karma ko sa nagawa kong kasalanan sakaniya..

Pumunta ako sa bahay nila, pero imbes na warm welcome ang bungad sakin, suntok agad binungad sakin ng tatay niya.. lahat ng iyon tinanggap ko. Wala akong hinindian sa mga suntok na ginawa sakin ng tatay niya.

"Hayop ka! Pinagka tiwala namin anak namin sayo tas lolokohin mo lang?"

Sa pag kasabi ng tatay niya, halatang galit na galit siya dahil sa nagawa ko sa anak niya. Hindi na ko sumagot at lumaban. Dahil tama naman siya e, i cheat! Niloko ko yung anak niya na walang ibang ginawa kundi mahalin ako at suportahan ako sa lahat!



"Umalis ka na dito hayop ka! Baka magdilim pa ang paningin ko at mapatay pa kita"galit na galit na sabi ng tatay niya..




"Opo, paki sabi nalang po kay Rita na dumaan po ako."


"Alis! Sinabing alis na e!"



Pagkatapos ng pangyayaring yun nag pasiya na ako umalis at dumiretso na sa condo namin sa BGC.








Pag dating ko ng condo nakita ko na walang bakas ng gamit ni Rita ang nandito. Tahimik ang bawat mga sulok. Tahimik ang mga kwarto. Walang nagpapatugtog ng music at wala ding kumakanta habang nag luluto.


Hays miss ko na lahat ng mga kilos niya sa loob ng bahay. Miss ko na rin ang mga yakap at halik niya sakin.. soon my love! I promise na ibabalik kita sakin!.



Andami pumapasok sa utak ko, kaya nag desisyon na kong matulog.. pag gising ko nanibago ako. Walang naka handang breakfast. At higit sa lahat, walang Rita na hahalik sakin tuwing paggising ko. At wala ding Rita na hahandaan ako ng baon araw araw na with matching notes pa.

Miss na kita Rita sobra! Pero wag kang mag alala, di ako mag sasawang suyuin ka para lang mabalik ka sakin. Pero bago yun, kailangan ko muna baguhin ang sarili ko para worth it yung pag bigay mo ng second chance sakin.


Napag isipan kong pumunta muna ng bar para mawala problema ko.

Pagdating ko ng Bar. Sumalubong agad sakin ang babaeng sumira sa relasyon namin ni Rita

"Hi babe!" Landing bungad sakin ni Trixie.

"Ano ba Trixie. Layuan mo ko pls!"

"Babe, ang init nanaman ng ulo mo ha!"


"Kaya lang naman uminit dahil sayo e!"


"Yung ex girlfriend mong iskandalosa nanaman ba laman ng isip mo babe? Sabi ko sayo layuan mo na siya e, you don't deserve her"


" So sino yung deserve para sakin Trixie? Ikaw?"

"Exactly babe!"

"Trixie look, maling mali na pumatol ako sayo. At maling mali din na niloko ko si Rita ng dahil sayo. Wag mong sasabihing iskandalosa si Rita dahil tama lang ang ginawa niya. Naka sira ka ng relasyon! And now wala na kami ni Rita. Happy?!"

RitKen One Shots Stories CompilationsWhere stories live. Discover now