Dreaming Of You - one shots

273 10 0
                                    

A/N: paki play po muna yung video para maka sunod sa flow ng storyy.. Thankyouuuu ♥





Rita's POV only

*Kringgggg Kringgggg*

Bigla akong nagising na may tumutunog sa Cellphone ko, napatingin ako doon at nakita kong nag flash sa screen ang pangalan ni Kate. Hayyyy nako! Kahit kailan talaga tong babaeng to oh! Kita ng natutulog yung tao eh! Istorbo!!

"Hello, Kate?"

"Besshhhhh" tawag niya saakin

"Bakit ba ha? Natutulog pa yung tao iniistorbo mo eh!" Iritang sambit ko sakaniya.

"Ano ka ba Besh? Papasok ka ba?"

Anong klaseng tanong yan, siyempre papasok ako!

"Oo syempre besh! Teka anong oras na ba?"

Pag kita ko ng orasan ay 6:30 am na! Hala, late nanaman ako.

Oo nga pala, I'am a college student taking up Accountancy. Nag aaral ako dito sa isang University na medyo malayo sa bahay na tinitirhan ko.

"Sige na Besh,gagayak nako baka malate pa ako dahil sayo!"  Sagot ko sakaniya

"Loka loka besh, sige na! Bye! "

Pagtapos ng usapan namin, nag desisyon na 'kong maligo.

Pag punta ko ng kwarto ko, agad agad kong hinanda ang aking uniporme para mabilisan nalang pagtapos ko maligo

Pagtapos kong ihanda yung uniporme ko,dumeretso agad ako ng CR para maligo. At binuksan ang shower para simulan na ang aking pag ligo

Habang naliligo ako, at habang bumabagsak sakin ang mga tubig na galing sa shower, naaalala ko nanaman yung panaginip ko! Hayss! Bakit ba kasi ganun panaginip ko??

*panaginip*

Nasa isang dagat  ako noon at nakaupo sa isang dalampasigan, habang umiiyak.. Kaka break ko lang sa Boyfriend ko nun kaya medyo senti pa ako.

Habang umiiyak ako, napansin ko na parang may nag aabot sakin ngl isang panyo. Lumingon ako sakanya at pinagmasdan ang kaniyang maamong mukha. 

"Gosh! Ang gwapo!! Nakaka fall!" Sabi ko sa sarili ko. Okay, kalma self!!!

"Thank you ah!"

"Walang anuman!"

"Labhan ko nalang 'to bago ko isuli! "

"No it's fine, sayo na 'yan!"

"Salamat"  nakangiting reply ko sakaniya

" ay Ken nga pala! Ken Chan. Nice to meet you" naglahad siya ng kamay upang ishake hands ako.

Kinuha ko ang kamay niya.

"Rita! Rita Daniela!"  Nakangiting banggit ko! Goshh pogi talaga!!!😍

Nagka ngitian lang kami pag tapos nun.

Pagkatapos ng aming pagkilala,

"Upo tayo dito. Mukhang maganda mag sight seeing dito sa kubo eh nakaka refresh ng utak." Yaya niya sakin para umupo kami sa isang kubo na nakita niya, dito lang sa tabi ng dalampasigan

"Sige ba! Salamat ha?"

"Walang anuman, Rita!" Naka ngiti niyang banggit saakin.



Napuno ng tawanan at hagikgik ang buong oras na pag uusap namin Ken dito sa loob ng kubo. Ang gaan pala niyang kausap.. Para narin akong nakahanap ng human diary sakaniya. Salamat at game na game siyang makipag usap.

Pagkatapos namin mag usap sa kubo, napag desisyunan naming bumalik sa aming sari sariling cottage.

"It was a nice night, Rita! Hope you enjoyed our rollercoaster conversation" nakangiti niyang banggit saakin

"Maraming salamat din, Ken!"

Pagkatapos nun, ay bumalik nako sa sarili kong cottage, at humiga sa kama at pinikit ang aking mga mata.

REALITY

Haysss, gabi gabi ko nalang siya napapaniginipan, halos tatlong araw na din.. Okay erase, erase, erasee!! Kailangan kong bilisan dito kasi malalate na ako!

Pag katapos kong magbihis ay dumeretso na ako sa school..




















Pagdating ko ng school, kagad ako naglakad papunta sa building ko kasi konting minuto nalang ay mag sstart na ang aking first subject.




Pinag bilisan ko ang paglakad ng biglang........

A/N: part 1 palang po to. At abangan ang part 2 hehe.. Sorry po kung matagalll

Thankyouuuu♥

~ayah ♥

RitKen One Shots Stories CompilationsWhere stories live. Discover now