"KATOTOHANAN??!!!" Sabay namin sabi ni Rita.
" Oo ang katotohanan! Ito oh!" Sabi ni Mariela. Sabay nilabas ang phone niya at pinakita samin ang isang video kung saan makikita na naka upo ako sa isang sofa at naka kandong sakin si Trixie. Pamilyar sakin ang lugar na ito! Ang bar na lagi ko pinupuntahan. Na pinagmulan ng away namin dalawa ni Rita.
Ang video na pinapakita ni Mariela ay video na kung saan may nangyayari samin dalawa ni Trixie. Shocks! Di ko to alam! Wala ako alam dito.
"Ken ano to?!" Sabi sakin ni Rita. At tinignan ko lang siya, gusto ko mag salita pero walang lumalabas na kahit ano mang salita ang lumalabas sa bibig ko.
"Ano to sabi Ken!!!"
"Ahm Rita, sinend sakin ni Trixie yan nung panahong nag break kayo. Gusto niya kayong sirain. Gusto niya mag hiwalay kayo para sakaniya mapunta si Ken.. 2 years naka tago sakin yang video clip na yan. Pero di ko na natiis. Sobrang grabe na yung ginagawa niya. Kaya i decided na ipakita ko to sainyo. Sorry kung ako naman ang nakagulo sa relasyon niyo." Pag explain samin ni Mariela
"Mahal!" Tawag ko sakaniya. Umalis siya sa harapan ko at dumiretso papuntang sala
"Ahm Ken, mauuna na ko ah!" Pag papaalam ni Mariela pero tinignan ko lang siya at umalis na din ako.
Pag pasok ko, nakita ko si Rita na nakaupo sa sala.
"Ahm mahal?"sabi ko at tabi sakaniya.
"Wag mo kong tawagin mahal"
" Rita, kung yung sa video na pinakita ni Mariela, wala akong alam dun! Ang alam ko lang lasing ako nung panahong yun at wala akong alam na ganun!"
" Malamang Ken, wala kang alam syempre lasing ka diba?! Sabi mo sakin nung nag paliwanag ka walang nangyari sainyo. Tapos yun makikita ko? Ken di ako tanga! Kaya wag mo na ko paikutin ulit sa mga palusot mo!. Nung panahong nag break tayo, masakit sakin na nag cheat ka e! Tapos malalaman ko na may nangyari sainyo habang tayo pa?! Alam mo Ken, yung pagiging babaero mo tatanggapin ko pa e. Pero bakit kailangan mo ipa kamot sa ibang babae yang kati mo?! I don't know kung ano kasalanan ko bakit ako binigyan ng relasyon na ganito katindi.."
"Rita, i'm sorry"
"Talagang you're sorry. Kasi simula ngayon wala ka ng asawa!!"
Sa sinabi ni Rita na yun, nabuhusan ulit ako ng malamig na tubig. Di ako makapag salita. Di ko alam ang gagawin ko.Buong minuto lang ako naka tulala at di parin makapaniwala sa mga pangyayari. Bumalik lang ako sa realidad nung nakita ko si Rita na dala ang kaniyang luggage bag. Pinigilan ko si Rita pero di siya nagpa pigil.
Wala ako nagawa kundi umiyak na lamang. Siguro ito na nga ang karma ko sa mga ginawa ko sakaniya noon.
Ngayon mag isa nalang sa bahay na ito..
"Laki ng bahay, pero walang kasama. Well played Ken" sabi ko sa sarili ko.
After 1 year...
Isang taon na mula nung iniwan ako ni Rita. Lagi ako pumupunta sa bahay nila pero suntok lang lagi ang inabot ko galing sa tatay niya. Nag dadala din ako ng flowers at teddy bears pero tinatapon niya din. Hanggang sa pinakiusapan ako ng tatay niya na wag na siyang guluhin pa. Sinunod ko siya. Di na ko pumupunta sa bahay nila. Dito nalang ako lagi sa bahay namin hanggang sa nag decide ako na ibenta to at kumuha nalang ng sarili kong condo kasama ang aking pinsan. Ang pinsan kong mula sapul kasama ko na at hindi ako iniwan.
YOU ARE READING
RitKen One Shots Stories Compilations
FanfictionA compilations of RitKen One shots stories.