Chapter 6

97 15 0
                                    

Chapter 6

Ang Bayan ng Valencia ay isa sa mga lugar ng Probinsya ng NEGROS ORIENTAL at ang Probinsyang ito ay parte ng Bansang PILIPINAS kung saan ay maraming mga taong naninirahan na walang kapangyarihan. Ngunit ang NEGROS ORIENTAL ay naiibang lugar sa Pilipinas dahil na rin sa mga naninirahan dito na may kapangyarihan oh kakaibang nilalang.

Paano nga ba nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao dito? Isa rin yan sa mga palaisipan na dapat niyong abangan.

-------->

Isang taong nakaupo sa kanyang trono sa palasyo na kung tawagin ay  THE CAPITOL PALACE. Siya ay si King Rigel Skiore ang namamahala sa buong Probinsyang ito, ang kanyang bosses ang dapat masunod sa ng alituntunin ng lugar. My pagkastrikto ngunit isang mabuting hari. Dahil sa mabubuting hangarin nito sa kanyang nasasakupan. May dalawang anak ito na puros lalaki na si Prince Clark Skiore ang panganay at Prince Carl Skiore may mabuting puso rin ang dalawa para kanilang mga tauhan at nasasakupan. Ang kanyang asawa na si Queen Cristina Skiore isang maalagang asawa at ina.

Ang dalawang anak nila ay parehong malakas na adventurer kaya hindi sila makapili kung sino ang susunod sa yapak sa trono. Kaya minabuti ng hari na bigyan ng misyon ang dalawa sa ibat ibang lugar sa Probinsya. Si Clark sa kanlurang bahagi at si Carl sa Hilagang bahagi. Sa kanilang misyon ay kailangan maka dala sila ng magandang balita pa tungkol sa kanilang misyon. Kailangan din ay isang taon lang din ang misyon na ito. Masakit man sa piling ng kanilang ina na ipagawa ang misyon na ito ngunit kailangan upang may susunod sa tapak ng kanilang ama.

Naging matiwasay ang misyon ni Carl sa Hilagang bahagi ng Probinsya dahil marami siyang natutunan Katulad ng pakikisama sa tao. Hindi niya Sinabi na isa siyang prinsipe kaya komportable siya sa kanyang paglalakbay. Natuto rin siyang mag trabaho sa bukid, pagtanim ng mga gulay at pagbungkal ng lupa gamit lamang ang lakas ng katawan. Sa nakalipas ng ilang buwan ay nakasagupa din siya ng mga magical beast dahil duma daan din siya sa mga kagubatan. Na nagpapatibay at lalong nagpapalakas ng kanyang cultivation as an adventurer. Lumipas pa ang mga buwan huminto siya sa isang bayan na kung tawagin ay BAIS CITY na kung saan ay naghihirap ang mga tao. Tinolungan niya ang mga tao dito na bumangon at tinuruan ng mga bagay na pwedeng makatulong sa pagbangon na kanilang bayan. Kaya kalaunan naging masagana ang pamumuhay ang mga tao dito. Sa lugar na ito din naman namamalagi si Carl parang naging pamilya na niya ang mga tao sa lugar na ito. Kaya sobra din siyang kilala ng mga adventurer dito. Nagpatayo sila ng adventurer guild dito at si Carl mismo ang nag sasanay sa mga adventurer na gustong sumali sa guild.

Nakilala din ni Carl si Elder Nestor ang pinuno ng bayang ito. Malaki ang pasa salamat ng elder sa Pagdating ni Carl sa kanilang bayan dahil kung hindi ito dumating ay baka mamatay sila sa gutom. Si Elder Nestor rin mismo ang namamalakad ng guild dahil siya ang unang tao na sinanay ni Carl at ito din ang may pinaka malakas na level o cultivation sa lahat ng tao sa bayan.

Naging matiwasay ang misyon ni Carl dahil naka pag paunlad siya ng isang bayan at nakilala din siya ng mga tao bilang isang mabuting tao na may malambot na puso para sa iba. Ito ang hangarin ni Prince Carl Skiore ang makatulong sa kapwa kahit walang kapalit dahil hindi siya nakilala bilang prinsipe. Marami ding humanga sa kanyang anyong ka gwapohan, makisig na katawan at matiponong lalaki. Walang kababaihan ang hindi mapapalingon kung dadaan siya sa isang mataong lugar.

Alam din ng mga tao sa lugar na ito na nalalapit na ang muling paglalakbay ni Carl dahil pinaalam niya na ito na balang araw ay lilisan din siya sa lugar na ito upang bumalik sa sariling tahanan. Naging malungkot ang mga tao lalo na ang pamilya ni Elder Nestor, ang pamilyang mas naging malapit sa puso ni Carl ang mga malalambing mga bata pa ito. Kaya pinangako nalang ni Carl dito na babalik siya at siya mismo ang magsanay sa dalawang anak ni Elder Nestor kapag pwede na itong maging ganap na adventurer.

Lumipas pa ang mga araw at alam ni Carl na malapit na talaga siyang aalis sa bayan na ito. Sa isang opisina sa Guild House na kung palagi siya naroroon. Nakaramdam ng kaba si Carl na para bang nagwawala ang kanyang puso. Kaya nagmadali siyang pumunta sa bahay ng Elder sa bayang ito upang mag paalam na siya ay aalis na dahil iba ang kanyang pakiramdam na nagpakaba sa kanyang puso. Hindi na siya makapag paalam pa sa iba dahil alam niyan maging ma lungkot ang mga ito. Kinuha niya ang kanyang kabayo ay sinimulan ang kanyang paglalakbay pa balik sa Palasyo.

#unewanwayne
Next is Clarks misyon naman

Salamat kung may magbabasa ba nito

Heavenly Fragments Where stories live. Discover now