Chapter 3

102 20 2
                                    

Chapter 3

Cade's POV

Lumipas ang gabi at dumating ang umaga na aking pinakahihintay. Kung saan susubukan namin ni Tiyo ang kanyang pill na pwedeng makabasag sa seal na nakaharang sa aking cultivation core.

"Handa ka naba Cade?" tanong ni Tiyo Kalisto
"Handa na po Tiyo, titiisin ko po ang sakit na aking sasapitin dahil gusto ko pong maging isang tunay na adventurer."sagot ko naman.
" Kung gayon ay halika kana sa likod at simulan na natin. " Tiyo Kalisto.

Pagdating sa likod ay pinaupo ako ni Tiyo at binigay niya sa akin ang kulay pulang pill. Sabi niya sakin na dahan dahan ko daw itong inomin at pakiramdaman ang daloy nito. Kailangan ko ding gabayan ang pill na ito na para bang bala ng baril na may papatamaan kaya yon ang ginawa ko. Habang ginagawa ko ang mga bilin ni Tiyo ay unti unti ko ring nararamdaman na bumubulosok ang pill patungo sa selyo. Bumangga bangga ang pill pagkatapos ay lumikha ng pagsabog at pagkasira ng selyo. Nanonoot ang ang enerhiya ko sa lahat ng ugat ng aking katawan. Sobrang sakit ang aking nararamdaman dahil parang poputok na ang aking mga kaugatan sa dami ng enerhiyang duma daloy dito. Parang gusto ng kumawala ng mga ito, sumakit din ang ulo ko na mukhang apektado din ito. Alam kung ilang sandali nalang ay mawawalan na ako ng malay dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman.

Naglakbay ang aking diwa sa aking katawan, parang pinapakita ang nangyayari sa loob nito. Kitang kita ko ang mga enerhiyang nagdadaluyan sa aking mga kalamanan. May isang bilog malapit sa aking puso na nagliliwanag ng subra. Ito ang aking Cultivation Core kung saan kailangan mong punooin upang tumaas ang ranggo ng iyong cultivation. Nagtataka rin ako kung bakit sobra ang laki nito, kasi magka parehas ang laki nito sa aking puso. Ang normal na cultivation core ay (1/2) isat kalahati lamang ng puso. Nang hindi na masyadong nagliliwanag ang bilog na iyon ay may nakikita akong apat pa na maliliit bilog sa loob nito iba iba ang kulay nito. Pula, Asul, Berde at kulay Brown ang mga kulay nito. Ang kulay Asul ang pinaka nagliliwanag sa lahat.

Biglang nagdilim ang aking paningin at parang hinihigop ako sa isang alapa-ap, nakakahilo at nasusuka ako. Biglang may nagliliwanag na hikaw sa aking harapan at bigla itong nasoot sa aking kamay, hinihigop nanaman ako papasok nitong hikaw. Pagkalipas nang ilang sandali ay lumiwanag na ang aking paningin. Ang paligid na malaparaiso sa yaman ng enerhiya na para bang ibang mundo.

May nagsalita sa aking isipan " ako ay ikaw na magsisilbing system na magsasabi kung anong ranggo o level na ang iyong cultivation."

Hindi na ako nagtataka dahil lahat naman ng adventurer ay may ganito. Ngunit ang labis kung iniisip ay ang apat na bilog sa loob ng isang malaking bilog sa aking katawan.

" Kung ikaw ay nagtataka sa apat na bilog sa loob ng iyong cultivation core, maaring ikaw ay makinig ng mabuti dahil once kulang sasabihin ang mga nalalaman ko."
" Ito ay ang mga simbolo ng apat na elemento which is mga kapangyarihan na pwede mong gamitim bilang isang adventurer. Kung nakikita mo ang kulay Asul pa lang ang nagliliwanag, ito ay marahil ay siya pa lamang ang pwede mong gamitim sa ngayon at maaring magpataas sa iyong ranggo. "
" Ang Asul na kulay sumisimbolo sa elementong tubig at kaakibat nito ang pagiging isang alchemist. Lahat ng pwedeng gawin sa kapangyarihan ng tubig ay kaya mong gawin depende sa iyong ranggo sa cultivation. Kaakibat nito ang pagiging alchemist dahil ikaw ay maaring gumawa ng mga gamit katulad ng mga potion at pills."
" Itong lugar kung saan ka ngayon ay may mga kayamanang nakatago na pwede mong gamitin sa iyong pagsasanay ngunit makukuha mo lang ito kung makakatapak ka sa ibang level. Every level ay may kayamanan na lalabas na angkop sa iyong cultivation."
" Katulad ngayon ay nasa 5th rank sa lower realm ka pa lang. Alam mo na siguro ang mga basis kung ano ang mga ranks dito sa adventurer world dahil napag-aralan mo na iyon. Dumiritcho sa 5th ang rank mo dahil sa matagal itong naka selyo at naipon lahat ng inerhiya at sa Asul ito naipon."

#unewanwayne

SORRY FOR THE GRAMMATICAL ERRORS

Heavenly Fragments Where stories live. Discover now