Lumipas ang mga araw, buwan at taon marami nang natutunan si Cade. Alam na niya lahat ng klase ng pag-proteckta sa kanyang sarili. May mga kaalaman na din siya tungkol sa kanilang mundong ginagalawan.
Pero sa kabila ng lahat andoon pa rin ang lungkot dahil hindi niya pa nagagamit ang kanyang kapangyarihan dahil may seal ito at hindi niya alam kung kailan ito mababasag. Parang napag iwanan na siya ng panahon, dapat na kasi siyang matoto bilang isang adventurer sapagkat labing lima na ang kanyang edad. Sa edad na iyon ang isang adventurer ay dapat ng pumasok sa isang unibersidad na kilala sa paglilinang ng iyong kakayanan o mapataas ang level ng kapasidad ng iyong cultivation power.
Noong si Cade ay sampong taon gulang na lumipat sila ng Tiyo Kalisto niya sa bayan ng Valencia. Si Kalisto ay kinuha bilang isang guro sa unibersidad na kinasasabikan ng lahat. Magaling ito sa paggawa ng mga pills at potion na makakatulong sa pagpapalakas ng iyong level at pagaan ng iyong cultivation. Isa rin itong kilalang tao noong kanyang kapanahunan dahil sa kanyang talento.
Sa Limang taon sa bayan ng Valencia may simpling buhay ang mag Tiyo dahil na rin isa itong guro at si Cade ay sa bahay lamang kapag ito ay pumapasok sa kanyang trabaho. Sa Limang taon din na iyon pumapasok sa paaralan si Cade. Paaralan kung saan paglilinang ng mentalidad para matoto siyang makipag kapwa tao tulad ng sinasabi nang kanyang Tiyo. Isang matalinong bata si Cade kung kaya maraming kabataan ang humahanga sa kanya. Isa siya sa mga nangunguna sa kanilang klasi at palaging may parangal kapag nagtatapos ang isang taon ng pag-aaral. Ngunit sa paaralan hindi mawala ang mga studyante na may inngit sa kanya at bulihin siya na hindi nila magawa gawa dahil pinapatulan niya ito. Minsan na siyang may naging kaaway sa paaralan na iyon at napatulog niya ito sa isang suntukan lang. Kaya marami mang humahanga sa kanya mayron ding natatakot kasi hindi naman ito palakibo, minsan lang din ito ngumingiti.
Wala siyang naging kaibigan noon sa paaralan na iyon kaya tinatawag siyang LONER. Sa paaralan din na iyon dapat kapag nakapagtapos kana ng limang taon ay dapay lumalabas na iyong pagiging adventurer. Sa huling buwan ng paaralan na iyon ay maraming studyante na nakapagpalabas na at ang pagiging cultivator nito. Ito ang naging problema ni Cade sa mga panahon na iyon dahil na tapos nalamang ang kanyang pag-aaral ay wala man lang lumalabas sa kaya na kahit anong enerhiya sa katawan sa pagiging adventurer at cultivator.
Sa kasalukuyan ay kumakain silang dalawa ng kanyang Tiyo at napaisip si Cade kung may alam ba ng kanyang tiyo kung paano mabuksan ang kanyang cultivation core na naka seal. Hindi naman ito lingid sa kaalaman nang kanyang tiyo dahil alam na nito ang lahat na nangyayari sa kanya. Kaya hindi na siya nag dalawang isip na magtanong dito. Sinabi niya ito at sabi nang kanyang tiyo ay may paraan naman daw siya, yon ay kung kakayanin nang kanyang katawan. Isa daw itong uri ng pill na tinatawag na breaking pill kailangan inomin at poputok ito sa loob ng kanyang katawan upang masira ang seal. Ngunit may matindi rin itong epekto sa katawan at baka iyon ang kawakasan o ikamatay niya. Buo na ang disisyon ni Cade kaya Sinabi niya sa kanyang tiyo na gagawin niya iyon. May determinasyon sa mata nito kaya wala na nagawa ang kanyang tiyo at hinayaan niya ito at sinabihan bukas nalang gagawin kasi gagabayan niya ito upang hindi lubusang mapahamak ang binata.
A/N:
Sa susunod na chapter magsisimula na ang pagiging adventurer ni Cade.Salamat na marami sa mga nagbabasa
YOU ARE READING
Heavenly Fragments
FantasySakit at Poot ang dahilan ng paghihiganti. As he discover his true power. Darkness may cover, but always remember, "Light will always gives the chance to find a way on how to conquer the darkness". #unewanwayne #discover #adventure #fantasy Language...