Chapter 7.2
Sa lungsod na ito may nakilala si Clark, isang magandang babae na kasalukuyang nagtratrabaho sa bahay panuloyan. Parang Love at first sight ang nangyayari sa kanya, pagkakita niya sa babae dahil tumibok ang kanyang puso ng subrang bilis at paghanga sa katangian nito.
Nagsimula sa simpling pagkakaibigan ang dalawa hanggang sa malalim na pag-ibigan. Ang bilis ng pangyayari, isang nagpagimbal sa katangian ni Clark dahil may tao palang may lihim na pakainis sa kanya. Pinahahanap siya nito upang patayin, sa hindi inaasahang panahon ay napatumba siya ng mga taong inutusan ng may galit sa kanya. Akala nila ay namatay ito ngunit naisalba ito ng isang babae na nagmamahal kay Clark, ngunit may lubhang pinsala si Clark sa kanyang ulo at tuloyan ng nakalimutan ang nakaraan. Ni wala siyang maala ala tungkol sa kanya, naging mag-asawa ang dalawa. Tila ang pagmamahalan nilang dalawa ay walang hangganan dahil parang ito lang ang hindi nawala sa puso ni Clark. Ang babaeng kanyang iniibig ay si Binibining Haide Flare isang ordinaryong babae na nagtratrabaho sa isang bahay panuloyan.
Sa pagkawala ng ala ala ni Clark si Haide ang kanyang katuwang. Dinala siya nito sa lugar kung saan talaga siya namumuhay noong wala pa siyang trabaho. Isang kagubatan ng Baslay, DAUIN namumuhay sila ng matiwasay sa kagubatang ito. Hindi naglaon ay nagkaroon sila ng suppling isang lalaki.
Matatawag na isang simpling pamilya dahil masayahin ang kanilang anak. Na nagpapatibay sa kanilang pagmamahalan, Lumipas ang dalawang taon mas naging masaya ang pamumuhay ng pamilya dahil sa kanilang anak. Naging tanyag si Clark sa kagubatang ito, kilala siya sa mga karatig na tribo sa kanilang lugar. Madalas kasi itong tumutolong sa mga taong bayan sa tribo upang mapalago ang pamumuhay ng isang Lugar.
Lumipas pa ang isang taon, isang tao ang hindi kilala ang naging kaaway ni Clark. Pilit na inaagaw ang kapangyarihan niya, napag alaman kasi nitong may malakas na kapangyarihan si Clark. At gusto nilang mapasakanila ang kapangyarihan nito o maging sunod sunoran ito sa kanilang utos. Ngunit umayaw si Clark at pinaramdam nito sa kanila kung gaano siya kalakas. Natakot ang mga ito at umalis. Ngunit ang hindi alam ni Clark ay nagpapalakas lamang ito upang makuha nila ang kanyang kapangyarihan. Ang mga taong ito ay nakatira sa kasulok sulokan ng kagubatan may maitim na balak at ganid ito sa kapangyarihan. Gustong mapagharian ang buong mundo at ang kanilang sulosyon ang pag kuha sa kapangyarihan ni Clark.
Limang taon na ang kanilang anak, plano nilang sundan na ito. Kaya ang mag-asawa ay maagang pinatulog ang kanilang anak para maisagawa na nila ang kanilang plano ang pagawa ng kapatid nito. Nasa kalagitnaan sila ng pag labing labing ng biglang may isang pangitain nakita si Haide. Alam nilang magkakatoo ito dahil ito ang isa sa mga kapangyarihan ng asawa ni Clark ang makita ang hinaharap.
#opsieyanlangmuna
Always remember I'm not a pro story writer
YOU ARE READING
Heavenly Fragments
FantasySakit at Poot ang dahilan ng paghihiganti. As he discover his true power. Darkness may cover, but always remember, "Light will always gives the chance to find a way on how to conquer the darkness". #unewanwayne #discover #adventure #fantasy Language...