Chapter 7. 1
Dumako naman tayo sa misyon sa panganay na anak ng hari na si Prisipe Clark Skiore. Pero bago ang lahat let me describe him first.
Isang makisig at matiponong lalaki. Mala adonis o Godly ang itsura walang kapantay kaya hinahangaan ng lahat ng tao sa kanilang kaharian lalo pat isa rin itong masunurin at mabuting anak. Iniidolo ng kabataan dahil sa taglay nitong lakas sa pagiging adventurer ganoon naman din sa kababata nitong kapatid dahil gusto niya ay pantay pantay lang dapat silang mag kapatid. Walang lamangan dahil ito rin ang gusto ng kanilang magulang.
Ngunit may isang lihim na malaking itinatago ang Prinsipeng ito. Yon ang pagiging malakas nito na umabot na sa sukdulan, hindi lang niya pinapalabas dahil ayaw niyang malamangan ang kanyang kapatid. Sa kagustuhan niyang maging kapantay lang ito sa lahat ng bagay para sa kanilang pagmamahalan bilang mag kapatid at mapagtibay ang kanilang pagkakaisa. Tunay na ngang napakabuting kapatid ang Prinsipeng ito.
Sa araw ng kanyang paglalakbay upang gawin ang misyon sa kanlurang bahagi ng probinsya. Naisip niyang sa kagubatan siya dadaan at hindi sa mataong lugar dadaan. Katulad ng kanyang kapatid nilihim niya din sa ibang tao na isa siyang prinsipe ng isang kaharian upang maging matiwasay ang kanyang paglalakbay. Nagsuot ng isang ordinaryong kasuotan at bayong na naglalaman ng mga ordinaryong damit. Isang kabayo na ordinary lang din ang kanyang dala.
Sa kagubatan na kanyang dinaanan hindi mawala wala na may mga makasagupa siyang magical beast. Madali lang naman niya itong napapatay dahil sa taglay niyang lakas.
Isang buwan ang nakaraan sa kanyang paglalakbay naka rating si Clark sa gitna ng kagubatan na may isang tribong nakatira. Ang tribong iyon ay tinatawag na TRIBONG LAWIN kung saan lahat ng taong nakatira dito ay mga adventurer na may naka tatak na LAWIN sa kanilang pisngi. At ang kanilang cultivation ay pa tungkol sa hangin, maraming AGILA na magical beast na alaga ang mga tao dito. Malalakas ang mga beast na ito lalo pat may kakayanan itong lumaki at kaya ka nitong pasakayin sa likod nito.
Pumasok si Clark sa teretoryo ng Tribong ito at nagpapakilala na isang manlalakbay lamang. Sa kanyang pananatili sa lugar na iyon ay marami siyang nakilala Katulad na lamang ng pamilya ni Elder Agel na kasalukuyang namumuno sa Tribong ito. Natuto rin Clark kung paano mamuhay at mag trabaho sa tribo. Ang pangunahing trabaho ng mga tao dito ay pagsasaka at pangangaso sa loob ng gubat. Umabot ng isang buwan ang pananatili niya sa Tribo. Umalis siyang parang bula sa Tribo ngunit nag-iiwan ng isang sulat na balang araw ay babalik siya sa Tribo at nag-iwan din siya ng isang bagay para sa pinuno ng tribong ito. Isang armas o arment na kayang protektahan ang isang hukbo, ang arment na ito ay isang espada na may nakapalibot na ukit ng kidlat. Nakasulat sa isang papel kung paano ito gamitin, kaya nitong tumawag ng kidlat direkta sa mga kalaban. Kaya naging masaya ang Tribo dahil naging mas ligtas sila.
Sa isang sangang kahoy na may mayabong na dahon, isang lalaki ang naka kubli. Pinagmasdan at pinakiramdaman ang paligid kung may darating na kalaban. Ang lalaking ito ay si Clark, apat na buwan simula ng siya ay lumisan sa Tribo ng mga Agila. Marami na din siyang na daanan na bayan na kanyang natutulungan at patuloy na namayagpag ang pangalan na isang legendaring ordinaryong tao na tumutulong sa bayan ngunit bigla bigla din nawawala at may iniiwan na mga bagay na sobrang nakakatulong sa isang bayan o lungsod.
Si Prince Clark Skiore at maraming itinatago sa sarili. Maging ang antas nito sa pagiging adventurer ay hindi maipaliwanag ng iba kung ano. Dahil walang sino man ang may kakayahang maexamin ang kanyang antas. Kasi ang pakiramdam ng lahat ng kanyang nakakasalimuha ay isa lamang siyang ordinaryong tao.
Zamboanguita lugar ng mga taong may alagang pugitang magical beast. Malalakas ang mga ito , subalit may malaking problemang kinakaharap ang mga tao dito dahil sa maraming nang aagaw ng teretoryo nila. Dito na nagtagal si Clark, dahil naisip niyang aalamin o mananaliksik siya sa mga bagay kung bakit pilit inaagaw ang lugar na ito ng ibang nayon. Sa simula ay napagkamalan siyang kalaban ng pinuno sa bayang ito ngunit dahil kanyang angking talino ay napaniwala niya ito na wala siyang masamang intension sa katunayan ay sinabihan niya ang pinuno ng bayan na tutulong siya sa kanila kung may kalaban man na darating. Naging kamapante ang pinuno nila dahil totoo ang Sinabi ni Clark na tutulong ito sa kanila sa katunayan ay ito ang halos nagpatumba sa lahat ng kanilang kalaban noong silay sinalakay makalipas ang isang linggo na pananatili ng binata sa kanilang lugar. Pagkatapos noon ay wala ng sumalakay sa kanila, dumaan pa ang mga araw at napag alaman na ni Clark kung bakit pilit inaagaw ng ibang teretoryo ang bayang ito. Dahil sa kayamanang nakalibing sa ilalim ng lupa na kahit sino man ay wala pang nakakakuha. Kaya Sinabi niya ito sa pinuno ng bayang ito at tinolungan para kuhanin ito. Laking pasa salamat naman ng mga tao kay Clark dahil hindi ito naging gahaman. Dahil kung iba ang naka kuha sa mga kayamanang ito ay baka itinakbo na lamang. Naging masagana ang lungsod dahil kayamanan na kanilang nakita. Tumibay ang kanilang pundasyon at naging malakas pa ang mga adventurer. Lihim nanaman umalis si Clark sa bayan.
Bayawan City is a well known city in the Province Of Negros Oriental, The City is very rich in agriculture and minerals. This City provides foods in every town in the Province, kaya patuloy ang pag usbong ng ekonomiya sa bayang ito Halos lahat ang nakatira dito ay mga Noble at Aristocrat o mga mayayamang pamilya. Maraming taga ibang bayan ang dumayo dito upang makapagtrabaho ng maganda dahil maraming opportunidad ang naibibigay ng mga mayayamang tao. Ang Bayawan City ay kilalang pumapangalawa sa pagiging malakas ng mga adventurer or cultivator.
Dito napadpad si Clark sa kanyang paglalakbay galing sa Zamboanguita though may mga nadaanan siyang ibang bayan ngunit hindi siya nagtagal. Siyam na buwan na simula ng kanyang paglalakbay dito na niya naisipang ito na ang huling bayan na kanyang pupuntahan ta pagkatapos ay uuwi siya sa kanilang Kaharian.
::opps may part 2 po tayo sa buhay ni Prince Clark.
Always remember I'm not a pro writer I'm just a wannabe.
#unewanwayne
YOU ARE READING
Heavenly Fragments
FantasySakit at Poot ang dahilan ng paghihiganti. As he discover his true power. Darkness may cover, but always remember, "Light will always gives the chance to find a way on how to conquer the darkness". #unewanwayne #discover #adventure #fantasy Language...